Chapter 10

40 4 0
                                    

Sa wakas, tapos na rin ang finals namin. Masakit sa ulo. Last day na namin ngayon, then tada! End of first semester na.


"May utang ka pa sa amin Nics." Sabi ni Kaye habang inaayos ang bag niya.


"Hoy! Baka ikaw ang may utang sa akin. Ilang buwan mo ng di binabayaran yun." Sabi naman ni Nica habang hinahanap ang favorite niyang ballpen na Fine Tech.


"Duhh! Di pera ang ibig kong sabihin. Yung kwento mo. About that girl na nabuntis ni Red." Naglalagay na ngayon ng lipstick si Kaye habang nakaharap sa screen ng phone niya. "Yung utang ko pala, bukas na lang. Di mo kasi sakin pinapaalala, bruha ka."


Biglang napahinto sa paghahanap si Nica. Nagpatuloy rin siya sa paghahanap hanggang sa nahanap niya na.


"Hephep! Save that! Bukas na ang chikahan natin na ganyan." Sabi naman ni Moshi habang naglalagay ng face powder.


"Pwede bang di sumama bukas?" Tanong ko sa kanila. Ako na lang ang walang ginagawa. Pinagmamasdan lang sila sa mga ginagawa nila.


Nagplano na kasi sila na may pupuntahan daw after ng finals.


"No! Kailangan mong sumama." Sagot agad ni Moshi.


"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Nica. Di niya rin pala alam kung saan ang plano nina Kaye at Moshi.


"Xx!" Excited na sabi nina Kaye at Moshi.


Napapailing naman si Nica sa dalawa. Hanggang sa tumunog ang phone niya. May natawag yata. Nagpaalam na siya samin na mauuna na siyang lumabas.


Susunod na rin sana ako sa kanya kasi wala naman na kong ginagawa dito. Kaso napatigil ako sa paglalakad nang binanggit ni Nica ang pangalan na Red.


"My Sweet Candy!"


Nagulat ako nang may yumakap sakin sa likuran at hinalikan ako sa batok na nagpataas ng balahibo ko.


"Let's go?" Pag-aya niya sakin.


Nagpaalam na ko kina Kaye at Moshi na mauuna na kong umuwi kasi nandito na ang sundo ko.


Lalapitan ko na sana si Nica kaso may kausap pa rin siya. Buti na lang napalingon siya samin. Kumaway na lang ako sa kanya bilang paalam. Ganun din ginawa niya.


"Sa tingin mo may something sina Nica at Red?" Pagtanong ko kay Kevin habang papunta sa parking lot.


Nagkibit-balikat lang siya kaya di na ko nagtanong pa.


Nagvibrate ang phone ko. Nag-chat si Moshi na magpaalam na raw ako kay Kevin.


"Kev—"


"Hey!"


Di ko natuloy ang pagtawag kay Kevin. Mas nauuna kasi siya at binabati ang mga nakakasalubong niya na binabati siya.


"Ikaw yung guy nung.. Teka.. Anong ginagawa mo dito? Dito ka rin ba nag-aaral?"


Nakangiti siyang umi-iling. Sa pagngiti niya, dun lumabas ang dimple niya.


"Nope. Binisita ko lang ang pinsan ko dito. And I didn't expected na makikita kita dito. I think destiny find ways." Kumindat pa siya. "So, ahm.. I just want to apologize to you, sincerely.."


"Ako nga ang dapat magsorry—" Pinutol niya ang sasabihin ko.


"No. Ahm.. Free ka ba bukas? Let me treat you a lunch? Dinner?"


Playing The InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon