Chapter 1

343 11 1
                                    

***

"Sino ba kasi yung crush mo Candice? Kahit crush lang."


"Si Mario 'no? Ayieeee"


"Ang daya naman nito, ayaw pa umamin. Crush ka rin kaya niya."


Hay nako. Ang iingay ng mga babaeng 'to. Lagi na lang akong kinukulit. Big deal ba sa kanila kung sino yung crush ko? Eh sa wala akong crush.


"Crush? Anong pinagsasabi niyong Mario? We're just friends. Kung may crush man ako, edi sinabi ko na sa inyo. Di naman ako naglilihim sa inyo."


Mga kaibigan ko 'tong mga babaeng 'to. Mga maiingay. Sina Moshi, Kaye, at Nica.


"Ella! Hinahanap ka ni Kevin!" Sigaw ni Nica. Sabay irap niya. Ang taray talaga ng babaeng 'to. Mainit kasi ang dugo niya kay Ella. Ewan ko lang kung bakit.


Tumakbo naman agad si Ella palapit dun sa lalaki na nasa harap ng classroom namin, siguro ayun yung Kevin. Pol Scie student. Boyfriend niya kaya? Halos lahat naman na yata ng lalaki dito, naging boyfriend na ni Ella. Tsk tsk.


"My gosh! Ang gwapo talaga ni Kevin Jace! Sarap niya! Daks mga bes oh. Yummy." May pakagat labi pa si Moshi.


"Oo nga mga bes! Sarap niya. 7 inches kaya? Baka 9 inches. Gusto ko ma-see." Sabi naman ni Kaye na halos tumulo na ang laway. Hay nako. Isa pa tong babaeng 'to. Ano ba yung tinutukoy nila na masarap? Wala namang dalang pagkain yung lalaki.


Nakatalikod yung lalaki, di ko masyadong makita yung mukha niya.


"Anong masarap? Anong daks? Anong 7 inches? 9 inches?" Tanong ko sa kanila. Ganyan sila lagi kapag may nakikitang gwapo raw.


"Hay Nako Candice. Wag mo silang intindihin." Sabi naman ni Nica sakin. "Manyak! Malilibog!" Pasigaw na bulong naman niya kina Moshi at Kaye.


"Sus! Nagsalita ang hindi." Sabay tawa rin ni Kaye.


Hay Nako. Mga 'to talaga. Di ko alam kung paano ko sila naging kaibigan.


"Ihi lang ako ah" Paalam ko sa kanila. Habang wala pa ang professor namin.


Habang naglalakad ako may nakita akong nakinang sa may pintuan banda. Aha! Singsing. Pinulot ko naman. Sayang 'no. Akin na lang. Ang ganda pa naman.


"That's mine."


Ha? Napatingala ako kung sino yung nagsalita.


Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Playing The InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon