Chapter 7

125 10 0
                                    

Galit na naglakad papunta sa pwesto namin si Nica.


"Nananadya ka ba?!" Galit na nakatingin si Nica kay Kevin. May pinakita ito sa phone.


Sinilip ko rin iyon.


A-ako yun diba? A-at si Kevin?


Dalawang picture. Ang una, hinalikan ako ni Kevin sa pisngi, ang pangalawa, nakahawak sa dibdib ko si Kevin.


P-paanong nakuhaan yun?!


Lumingon-lingon ako sa paligid, lahat sila nakatingin sa phone nila at tumitingin-tingin samin.


PAK!


Mas nagulat kaming lahat sa sampal na ginawa ni Nica kay Kevin. Pero si Kevin... nakangisi lang, na para bang nang-aasar. Ganun ang nakikita ko sa kanya. Kaya di ko siya maintindihan.


"Tama na Nics." Awat nina Kaye at Moshi kay Nica.


"Ano bang problema mong lalaki ka ha?! Bakit si Candice pa?!" Kitang kita ang galit sa mga mata ni Nica.


Tumayo na ko at lumapit kay Nica para awatin siya, baka kasi ipatawag na siya, kami sa office.


"I just missed you, babe." Babe? Anong ibig nyang sabihin? May past ba sila?


PAK!


"Don't call me babe! Fuck you asshole!"


Umalis ng may inis si Nica. Susundan ko sana sya kaso pinigilan ako ni Kevin. Nagpumiglas ako, pero sadyang malakas talaga siya.


"Susunod ako Kaye." Sabi ko na lang kay Kaye. Tumango lang siya at tumakbo na para habulin si Nica.


Hinarap ko si Kevin ng may masamang tingin sa kanya.


Hinila ko na lang siya palayo sa mga mapanghusgang mga tao.


Nakarating kami sa gilid ng building CTHM. Wala masyadong tao dito.


"Ano ba ang nangyayari? Naguguluhan ako sa inyo ni Nica? Bakit ganun ang mga kinikilos niya? Bakit galit na galit siya sayo? Ano bang meron sa inyo? Ha? Kevin!"


"Jealous, baby?" Kinurot niya ang pisngi ko, pero iniwas ko lang ang mukha ko.


"I'm serious Kevin. Nagulo ang buhay ko, dahil sayo. Sa sobrang ikli lang ng panahon, nagulo na ang buhay ko, just because of you. For the first time Kevin, nag-away kami ni Nica. Naging center of attention ako, naging usap-usapan ako. That's all was because of you!"


Nakatitig lang siya sakin, di ko mabasa ang nasa isip niya. He just sighed.


"Stop playing with me Kevin." Tinalikuran ko na siya.


"I like you."


dugdug.dugdug.dugdug.dugdug.


Ano ba to Kevin? Bakit mo ba ginaganito ang puso ko? Siguro kailangan ko ng magpacheck-up.

***

"Hayaan mo na sila Nics. Magsasawa rin silang pagchismisan tayo." Sabi ni Kaye. Sabay bato ng mga crampled paper sa mga kaklase naming pinag-uusapan kami. Parang di niya alam na may natatamaan na siya sa pagbabato niya ng mga papel. Si Kaye talaga.


"Ahm. Nica. May past ba kayo ni Kevin?" Di ko mapigilan na magtanong, curious talaga ako. Ano ba tong bibig kong to. Bakit ko ba naisip yun?

Playing The InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon