Chapter 9

47 5 0
                                    

GEISHA's PoV

Ask ko daw yung pendant ko? Tumayo na ako at umalis sa garden, lumalamig na eh.
Dumaan muna ako sa kusina at kumuha ng isang gatas, saka ako umakyat sa taas. Nag-quick shower muna ako. Uggghhhh. Boring naman! Humiga ako at naka-tingin lang ako sa kisame. Busy naman kasi silang lahat huhuhu (-_-)

May kumatok sa pintuan tsaka nya binuksan, kaya napa-ayos ako ng upo. Si Levi lang pala, tumingin sa sya akin at ngumiti. Ngumiti din ako. "Bakit Levi anong... Kailangan mo?" Tanong ko.

"Nasabi na ba sayo ni Phoenix sayo?" tanong nya. Ano yun? Yung pendant?

"Yung pendant ba?" Sagot ko.

Umiling sya. "Maliban sa pendant?... Siguro hindi pa, mag-aaral tayo sa Blood Academy. At ang pag-aaralan natin ay..."

"Ay..." pagdudugtong ko.

"Ayyyy......"

"Langya ka, lumayas ka na nga sa kwarto ko." -_-#

"Hahahaha joke lang, it's about Assassination,Ninja,Ma----"

"Mafia and Gangters. Alam ko na yan, pero hindi ko tanggap. sa Valedictorian na toh? *turo sa sarili ko* Ganyan ang pag-aaralan. Jusko, pwede bang mag-back out? Sa South Korea nalang ako mag-aaral. Andun crush ko hihi~" Sabi ko.

Napatampal nalang sya ng noo.
Tumawa nalang ako.

******

*6:30 AM*

6:30 am palang, nagising na ako. Hinahanap ng katawan ko ang pag-tratrabaho dahil nakasanayan ko na talagang mag-trabaho. Huhu. T.T

Naligo muna ako at nag-almusal, yung tatlo tulog pa siguro. Naalala ko pala na enrollment namin next week. Hay... Hindi ko naman ginusto ang ganun eh. Bakit Bakit Bakit. T_T
Ibig-sabihin, palakasan ng mga fighting skills dun at yun ang ikaka-valedictorian mo? Huhu Suma Cum Laude. Ano kayang mukha nung paaralan na iyon? Maganda ba? Nakakatakot ba? Masaya ba? Jusko.

Nag-suot ako ng Jacket at Jogging Pants tsaka sketchers para mag-lakad lakad sa labas. Pag-kalabas ko palang sa labas, parang mala horror. Puro fog ang nakikita ko. Malabo ang nakikita ko. Naalala ko na walang kapit-bahay sila Phoenix. Yung nakita kong lumang paaralan malayo layo pa. 10kilometers siguro ang agwat, yun lang naman nakita ko na 'kapitbahay' nya eh.

Nakita ko yung nanay ni Zerina na nag-didlig sa mga pulang rosas.
Pumunta ako sa kanya at nag-tanong.

"G-good morning po." Bati ko sa kanya.

"Oh, magandang umaga din Ija. Lalabas ka ba?"

"Sana po, hehe."

"Nakapag-almusal ka na ba?" tanong nya sa akin at tumango ako. "Mag-iingat ka dyan sa labas. May isang templo dyan, malayo layo konti kung gusto mong pumunta dun, okay lang." Sabi nung Nanay ni Zerina.

"Maraming salamat po..."

"Lola nalang tawag mo sa akin." sabi nya.

"S-sige po, Lola. Mauna na po ako." pag-papaalam ko sa kanya. At ngumiti sya.

Nakalabas na ako ng gate, isang daanan lang. Pero hindi naman gaanong madaming puno, may mga space na puro wil grass. Maluwang ang lupa nila Victoria, Mayaman kasi.
Nag-lakad ako at tutungo kung saan sinabi sa akin ni Lola. Habang nag-lalakad ako. Hawak-Hawak ko yung kwintas ko.

Mabuti dala ko yung cellphone ko.
6:50 palang? Aba ang bilis ko naman po pala. Isinuot ko yung earphone sa tenga ko at nag-patugtog.

~NP: I need U by BTS~

Nag-stretch muna ako tsaka ako nag-jogging.

'I need you Girl~ Wae honja saranghago honiaseoman ibyeolhae'

Mga 20minutes akong nag-jogging at nakita ko na yung temple. Siguro mga 100 steps bago ako makapunta sa temple. Pinuntahan ko iyon at mabuti wala ng fog at sumisikat na ang araw. Nag-pahinga muna ako saglit. Nasa kalagitnaan na ako sa pag-lalakad. Feeling ko may sumusunod sa akin. Pinatay ko yung music at tinanggal ko ang earphone ko tsaka ko pinaka-ramdaman yung paligid ko.

Nag-lakad ulit ako at nakapunta din ako sa wakas! "Hay jusko kapagod, nakakaloka." sabi ko.
Tinignan ko yung paligid parang walang tao. Ang tahimik, tanging mga halaman at simoy ng hangin lang ang naririnig ko. Tumingin ako sa kanan dahil may gitara doon.

"Bakit nag-karoon ng gitara dito." bulong ko sa sarili ko. Umupo ako sa kahuyan at sinimulan kong mag-gitara.

Napa-hinto ako dahil may naririnig akong yapak ng tao. Naging alerto ako sa gagawin nito.

Welcome to the Blood Academy (Not Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon