Chapter 12

31 4 5
                                    

Geisha's PoV

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kasi lahat ata naikot ko na eh. ㅠㅠ
Pumasok ako sa kwarto ko at may nakita pa akong isang Doritos. Ayieeee~ mahal na mahal talaga ako ng Doritos. ( ´▽' )ノ

Binuksan ko iyon at kumain ng kumain. Hehe. Masarap kumain.

*5:23 PM*

Lumabas ako saglit dahil gustong-gusto kong lumalabas kapag hapon dahil nakikita ko yung araw lumulubog at nakikita ko yung bilog na buwan. Nakaka-miss. Dala-dala ko ang aking cellphone at pumunta sa likod ng Mansion nina Victoria. Kinalimutan ko lahat lahat ng problema ko pansamantala. Napa-buntong hininga ako at tumingin sa itaas. "Kamusta na kayo Nanay at Tatay?" bulong ko sa sarili ko.

Pumunta ako sa mga pulang rosas, nagagandahan ako sa kanila.

Umupo ako sa gilid ng mga halamang rosas at nag-indian seat. Sa pinaka-likod ng Mansion. Madaming mga puno at naririnig ko ang mga paniki na parang gustong kumawala. Inilabas ko ang aking cellphone at nag-voice record.

"Hello Nay at Tay! Kamusta na kayo dyan? Mainit pa ba? Haha, ganyan naman sa pilipinas diba? Ang init-init ng panahon. Nakapunta ako sa Akibara. Ang ganda ganda, kaso hindi pa ako nakakapasyal sa gusto nating puntahan rito. Ang Mt. Fuji. At tsaka nga pala nay at tay. Hindi ko pa napupuntahan yung address kasi nakalimutan ko hahaha! Ingatan nyo po yung sarili nyo dyan, mahal na mahal ko po kayo." sabi ko at inihinto ko ang pag-voice record. Sinend ko ang voice record sa message ng nanay ko.

Tinignan ko yung cellphone ko.
6:03PM na pala, hay nako. Mag-iisang linggo na kami dito pero di man kami lumalabas. Bwisit na Victoria na yan! Palaging naka-tutok sa Anime! TAT

Tatayo na sana ako nung may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Kaya naging alerto ako sa susunod na mangyayare.

Narrator's PoV

Naging alerto si Geisha dahil may kakaiba sa kanyang paligid. Hindi nya alam na Lima ang naka-tingin sa kanya.

Bumaba ang isang Ninja sa puno at sunud-sunod yung apat. 'Shit wala akong armas kahit Katana man lang!' bulong ni Geisha sa kanyang sarili.

Sumugod yung isa at mabuti hindi natamaan si Geisha, naunang sumuntok si Geisha tsaka nya ito sinuntok sa mukha at tinuhod ang mukha para mawalan ng malay.

Yung isa naman may dalang pocket knife. 'Mga ninja ba ang mga ito?' tanong nya sa sarili nya.

Mabilis na inihagis nung Ninja na may hawak ng kutsilyo papunta sa ulo ni Geisha ngunit nailagan nya yung tsaka nya kinuha. Tinignan nya yung pocket knife. Isang ahas na naka-palibot sa isang katana na may mga rosas.  Hinigpitan ni Geisha ang pag-kakahawak doon. Masama syang naka-tingin sa mga kalaban nyang nakapalibot ngayon. Sumugod yong isa na may Katana at itinaas yun ngunit naunahan ito ni Geisha, sinaksak ni Geisha yung isa sa binti para mabitawan yung katana. Bago tumayo yung Ninja, sinuntok na ni Geisha sa Tsan.

Tatlo nalang natitira. Ngunit masayang-masaya si Geisha. "Tss! Come fight at me you Loser!" sigaw ni Geisha sa tatlong babae na may hawak hawak na ngayon ng Katana.

Sumugod silang lahat. 'Tss, this time. I'm strong.' bulong ito sa sarili nya. Napa-pikit si Geisha nung Naramdaman nyang may naka-harang sa harap nya. Malapit na sya sa leeg ng isang lalake. Naamoy nya ang matapang na amoy. Biglang namula si Geisha at Umuurong.

Tumingin ang lalake sa kanan. At ngumiti. Nakita ni Geisha ang side view ng lalake. Biglang lumakas ang tibok ng puso nya. "W-wait... may kamukha sya..." bulong nya sa sarili nya. Bumalik ang tingin nung lalake sa harap. "Rose are Red. Violets are Blue. When you steps on the King's Land. You shall be 'punished', by my hand." may babala ang mga binitawan nyang salita ngunit kalmado ang tono nya.

Welcome to the Blood Academy (Not Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon