Chapter Five

29 2 0
                                    


Nasa library kami ngayon ni Josh. Kasalukuyan naming ginagawa ang hindi pa namin natatapos. Ang sabi niya ay i-revise namin ang iba at mas lalo pa itong pagandahin dahil ang weak daw ng output namin. Kaya naman nandito ulit kami sa library para mag-isip at magresearch.

"Break muna tayo, ang sakit na ng ulo ko," sabi ko habang hawak ang aking sintido.

"Hindi pa nga tayo, break na kaagad?" Tiningnan niya ako ng nakangisi.

"Alam mo ikaw, lahat na lang ng bagay ginagawa mong biro."

Nitong mga nagdaang araw ay medyo nagseryoso si Josh habang ginagawa namin ang aming output. Minsan ay nagbibiro siya at kung ano-ano ang sinasabi. Buti na nga lang at medyo kinaya kong i-handle ang pagkapilosopo niya. Talagang maiinis ka kapag kagaya niya ang kasama mo.

"Natutuwa kasi ako sa tuwing naiinis ka."

Mas lalong lumaki ang ngiti niya kaya naman umiwas ako ng tingin.

"Hindi naman nakakatuwa." Tumayo na ako at ganoon rin siya. Naghiwalay kami ng landas, siya raw ay pupunta sa classroom at ako naman ay dumiretso sa canteen para kumain. Nakakastress talaga ang mga pinagagawa ng mga teachers these days. Ang sakit sa ulo, idagdag niyo pa 'yong partner kong palabiro. Halos apat na araw na kaming palaging magkasama dahil sa ouput na 'to. Sa mga araw na 'yon ay naikumpara ko siya sa kanyang pinsan. Palabiro rin ito at madaldal kagaya ni Gab pero mas malala ng kaonti si Gab. Napansin ko rin na kapag nagseryoso siya ay mas nakakapag-isip siya ng maayos. Basta raw huwag ko siyang titingnan sa tuwing nagseseryoso siya, 'yon ang bilin niya.

Hindi pa ako kumportable sa totoo lang. Pansin niya naman na naiilang ako kaya madalas niyang ginagawang biro ang mga bagay-bagay, na kinaiinis ko naman.

Nagulat ako ng may lumitaw sa harap ko.

"Hi. Pwedeng makitable?" Dalawang babae ang nakatayo ngayon sa harap ko. May hawak silang pagkain.

Tinitigan ko lang sila at hindi sila sinagot. Sa tingin ko ay nakuha nila ang ibig kong sabihin kaya umalis sila sa harapan ko.

"Ang damot," rinig kong sabi nung isa.

"Ang sungit pa."

The hell I care. Syempre kapag pinaupo ko sila dito ay ako ang mao-OP. Mag-isa ko tapos dalawa sila syempre ako ang maa-out of place sa aming tatlo. At saka marami pa namang table dyan bakit napili pa nila sa table na ginagamit ko. Sila pa ang may ganang magalit at sabihin ako ng madamot, eh kung mag-isip kaya sila. Napapailing na lang ako.

Dumiretso kaagad ako sa classroom nang matapos akong kumain. Pagdating ko ay nakaharang ang mga kaklase kong lalaki sa pintuan at sa tingin ko ay nagkukwentuhan sila.

"Sinong chicks ba ang type mo dito?" tanong ng isang lalaki.

"Si Yoona? Okay na rin siya 'di ba?"

"Ayoko sa babaeng suplada." Natigil ako bigla. Hindi ba't boses 'yon ni Josh?

"Hindi siya mabiro mga pare," dagdag pa niya.

"Yoona. Out!" sabi nung isa kong kaklase.

Natigil naman sila nang magsalita ako.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah," taas kilay kong sabi.

"Uh-oh."

Nakita ko si Josh na mukhang nagulat at nakakita ng multo. May pagkaplastic rin pala ang lalaking 'to. Mas masahol pa siya sa mga babae.

"Hindi ito tambayan para magkwentuhan, kaya don't block the way."

Inirapan ko sila at saka ako naupo sa aking upuan. Nasanay na akong tinatawag akong masungit and whatsoever, pero ang marinig na suplada ako galing sa kaibigan ni kuya Niko at sa kapartner ko pa, parang sumama ang pakiramdam ko. Sa madaling salita, nasaktan ako.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon