Chapter Eight

18 2 1
                                    

From: Josh

Biro lang. Baka seryosohin mo. Hindi rin kita type.


Binasa ko ulit ang huling mensahe ni Josh sa akin noong nanood kami. Hindi ako nagreply dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Hindi niya raw ako type. Nadisappoint ba ako dahil sa sinabi niya o dahil ayoko 'yong trip niya? Sa tingin ko pareho. Kahit sino naman siguro maooffend kung sabihin ka na hindi ka type nung tao. Okay, bumalandra lang siguro sa akin 'yong sinabi ko sa kanya. My fault.

"Kanina mo pa tinititigan 'yang cellphone mo. Anong problema?" tanong ni Aye.

"Uhmm... Wala may tiningnan lang ako."

Nandito kami ngayon sa isa sa mga reading nooks sa school. Simula nang kausapin niya ako sa canteen ay naging close na kami. Hindi naman sobrang close pero kahit papaano ay mayroon na akong nakakausap. Hindi na ako mukhang tanga na mag-isang kumakain. Tulad ng sinabi ni Josh, masaya at maganda sa pakiramdam ang may kaibigan. Pasasalamatan ko siguro siya dahil dito.

"Ano sasama ka ba?"

"Saan?"

"Kakain kami ng ice cream sa labas."

"Sinong kasama?"

"Sino pa ba edi si Ezekiel ko!"

I laughed. She's so obsessed with Zeke, ganoon rin si Zeke sa kanya. Noong pinakilala sa akin ni Aye ang boyfriend niya, doon ko siya mas lalong nakilala. Ayesha is an outgoing person, palatawa rin siya kaya naman hindi kami naboboring kapag kaming dalawa lang ang magkasama kasi ang dami niyang ikinukwento. While Ezekiel, he's so caring. Alam niyo bang pinupunasan niya pa ang pawis ni Aye? He even applied a baby towel on Aye's back before. He's so boyfriend material.

They are really in love. Makikita mo sa mata nila 'yong bagay na hindi mo nakikita sa ibang couple. There is something na nagcoconnect sa kanila, and I think it's amazing. I don't know how this boyfriend-girlfriend thing works because I haven't had a boyfriend before, kaya naman ay wala akong makitang mali sa kanila. Hindi pa ako naiin-love, crush lang talaga at noong elementary pa ako 'yon. Wala talaga sa isip ko ang bagay na ganito pero kung makakita ka naman ng couple na sobrang sweet, sinong hindi maiinggit? Tao lang din ako.

"So, anong dapat kong itawag kay Ezekiel? Kuya?" I asked.

Mas matanda kasi si Ezekiel sa amin, kabatch niya si kuya Niko. Pero kung titingnan mo sila ay parang magka-edad lang sila.

"Ano ka ba! Huwag mo na siyang i-kuya. Kahit ano na ang itawag mo sa kanya, basta huwag lang baby. Boyfriend ko 'yon!" saka niya ako nilakihan ng mata.

Natawa ako sa sinabi niya. "Sira ka talaga. Hindi ko naman type si Ezekiel 'no."

"Dapat lang, baka mamaya hah inistalk mo na siya sa facebook! Malaman-laman ko lang Yoona hah!" Then she laughed.

I smirked. "Never."

Maya-maya lang ay dumating na rin ang boyfriend niya.

"Guys, tara. Libre ko," sabi ni Zeke.

"Really? That's nice. I'll go then."

"Hoy, ikaw Yoona hah!"

"Huwag kang paranoid dyan. I already told you a million times. 'Di ba Zeke?" Tinapik ko ang braso ni Ezekiel at saka ko siya tinanguan.

Tumawa lang siya ng mariin at ginulo ang buhok ni Aye.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon