"Sumama ka na, please," pagmamakaawa ni kuya Niko.
"Tinatamad ako kuya Niko, kayo na lang."
"Binilin kasi ni lola na isama ka raw namin sa lakad naming magkakaibigan."
"All boys? Huh! Gusto ba ni lola na matorture ako? Ayoko."
"Hindi ka naman namin gagawing alalay."
Bakit ba ang kulit ng mga tao ngayon? Nahawa na ata si kuya sa magpinsang 'yon! Napakakulit! Hindi makaintindi, sabing ayoko!
"Kasama 'yong magpinsan," pagrarason ko saka ako ngumuso.
Ano naman ngayon kung kasama sila? Bakit ko ba pinoproblema?
"Sasabihin ko sa kanila na huwag ka nilang kausapin. Bumangon ka na."
Lumapit siya sa kama at saka niya hinila ang kanang kamay ko para patayuin ako sa pagkakahiga.
"Oo na! Oo na! Ang kulit!" Bumangon ako sabay kamot sa ulo.
"Talaga? Yes!" Tuwang-tuwa siya na lumabas ng kwarto ko. Akala mo naman sinagot ng nililgawan niya at tuwang-tuwa. Naligo lang ako saglit at saka nabihis. Nagsuot lang ako ng simpleng blouse, ripped jeans at sneakers dahil doon ako komportable.
Paglabas ko ay nakita ko sa sala si kuya Niko na nakabihis na at nanonood ng basketball sa TV. Nang makita niya ako ay saka niya pinatay ang TV at kaagad siyang tumayo.
"Para naman tayong magdidate nito. Mamaya pagkamalan nilang girlfriend mo ako. Tsk," sabi ko pagkasakay namin sa kanyang sasakyan.
"Edi ayos, para walang lumapit na babae."
"Mamaya awayin nanaman ako ng ex mo." Tumawa siya ng mariin at saka niya ako tiningnan.
"Asarin mo pa ng lalo, sabihin mo ikaw 'yong ipinalit ko sa kanya."
"Ayoko nga. War freak 'yon nuh. Mamaya kung ano pa magawa ko sa kanya."
"War freak versus war freak. Mukhang masaya 'yon." Tumawa siya ulit.
I rolled my eyes. Hindi ako pumapatol sa mga hindi ko kalevel.
Nagulat na lang kasi ako nang biglang may magchat sa akin na isa sa mga ex ni kuya Niko. Kung ano-ano ang pinagsasabi, napagkamalan ata akong girlfriend kasi palagi ko siyang kasama. Ako naman ay hindi na lang pinatulan 'yong babaeng 'yon. Blinock ko na lang para wala na siyang masabi. Sakit sa ulo ang mga babae, jusko.
Pagdating namin sa mall ay nakita ko ang mga ugok. Kami na lang ata ang hinihintay.
"Tagal niyo, dude. Ang sakit na ng mga legs ko kakalakad," sabi ni Jon habang minamasahe ang kanyang hita.
"Pinilit ko pa kasi si Yoona."
"Iniwan mo na sana kung ayaw," bigla namang sabi ni Josh.
"Pasalamat na lang kayo at sumama pa ako. Dapat kasi 'yong mga girlfriends niyo ang kasama niyo. Hindi 'yong kayong magkakaibigan ang nagdidate!" Tiningnan ko si Josh na kanina pa nakatingin sa akin, inirapan ko siya dahilan para mapakunot-noo siya.
"Sungit." Malakas ang pagkakasabi niya at parang sinadya niya iyon para marinig ko.
"Yeah. Whatever."
"Swear Nick, kapag naging girlfriend ko 'yang pinsan mo. I'll tame her," saka niya ako tiningnan at ngumiti nang nakakaloko.
Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang sasabihin! I've been acting weird lately, kaya naman simula noong makaramdam ako ng pagbabago ay umiwas na ako sa kanya at mas lalo ko siyang sinungitan na ikinagulat niya naman dahil akala niya ay okay na kami. Well, dati ko naman na siyang sinusungitan so dapat hindi na siya magtataka pa kung bakit. Pero makulit siya kaya naman para akong tanga na tinataguan siya. Yes! Nagtatago ako sa tuwing may balak siyang lumapit sa akin sa school! Baliw na kung baliw pero hindi ko rin alam kung bakit basta ang iniisip ko lang ay hindi dapat siya makalapit sa akin. Ngayong araw ay wala akong takas, damn kuya Niko for bringing me here!
BINABASA MO ANG
When I Met You
Teen FictionKwento ng dalawang taong pinagtagpo ng tadhana. Magkasalungat ang ugali at magkaiba ang lahi, pero sa pagdating ng pag-ibig, pagtingin sa isa't isa ay hindi maikukubli. © 2017 Queenzelle Dela Cruz Midyum: Ingles at Filipino