Chapter Two

71 4 7
                                    


Maaga akong bumangon kinabukasan at saka ko ginawa ang aking routine tuwing umaga. Nagbihis ako at nagsimula nang magjogging. Nakasanayan ko na kasi ang ganito kaya halos araw-araw ko na siyang ginagawa. Pagkatapos nito ay magdidilig naman ako sa bakuran nila lolo at saka ako papasok para kumain.


Alas siyete na ng umaga nang matapos ang gawain ko. Dumiretso kaagad ako sa kusina at nakita ko nga na mayroon ng nakahain sa lamesa. Nauna na akong kumain dahil kailangan ay maaga akong makarating sa eskwelahan na pinapasukan ko. Kahit kasi dati kang estudyante roon ay kailangan mo pa ring mauna sa enrolment dahil limited lamang ang slot sa bawat section. First come first serve, kaya dapat ay hindi ako mahuli.


Nagpaalam din ako kaagad kanila lola at dumiretso na nga ako sa school. Ang sabi nila kay kanina pa raw umalis si kuya Niko kaya ibig sabihin ay kailangan kong magcommute. Hindi manlang niya ako hinintay oh. Si kuya Niko ay Grade 11 na kaya naman pinayagan na siyang magdrive ng kotse, kasalukuyang inaayos ang lisensya niya kaya naman hindi pa siya lumalayo tuwing gusto niyang bumiyahe. Isang taon lamang ang agwat naming dalawa kaya medyo nagbabangayan pa kami. Siguro kung lima hanggang pito ang agwat namin ay mas magiging mature si kuya sa pakikitungo sa akin. Siguro ay hindi niya ako aasarin ng ganito kalala. Sa bagay ay sanay na rin naman ako kaya walang problema.


Pagdating ko sa registrar's office ay nakahinga ako nang maluwag ng makita ko na hindi pa ganoon kahaba ang pila. Last year kasi ay napakahaba ng pila akala ko ay mauubusan na ako ng slot. Isang oras din ang lumipas nang matapos ako sa pag-eenroll. Wala na rin naman akong pupuntahan kaya kailangan kong hanapin si Kuya Niko para mayroon akong kasabay umuwi. Habang naglalakad ay may nakasalubong akong tatlong lalaki.


"Hi, Yoona," ang sabi nung isa na pinakamatangkad sa kanila.

Hindi ko sila nginitian bagkus ay deretso lang ako sa paglalakad.

"Isnabera talaga, pare," rinig kong sabi naman nung isa.

Haynako, mga papansin kasi kayo eh. Hindi ko naman kayo kilala bakit ko kayo papansinin, mamaya ay manyakis pala kayo, mahirap na.

"Yoona," pamilyar ang boses na 'yon kaya lumingon ako.

"Lilingon din pala eh. Hi!" sabi ulit nung pinakamatangkad.

"Oy! Tumigil nga kayo. Tabi at dadanan ako." Nakita ko na si Kuya Niko 'yon. "Yoona, sumabay ka na sa akin. Ihahatid na lang kita," sabi ni Kuya Niko. Sumabay naman ako sa kanya sa paglalakad.

Narinig kong naghiyawan ang tatlong lalaki sa likod namin. "Nicholas, iba ka rin! Isa kang dakilang ninja. Kaya idol ka namin eh," kanchaw nung lalaking medyo maputi.

"Mga siraulo, pinsan ko 'to! Ugok niyo." Natahimik silang tatlo sa sinabi ni Kuya Niko.

"Seryoso, pare?" sabi nung pinakamatangkad.

"Ipakilala mo naman kami sa pinsan mo," saad nung isa na hindi ko alam kung paano ko idedescribe.

"Mga pare huwag niyong kalilimutan ang rules ng barkada. Ligawan niyo na ang lahat ng babae huwag lang ang babaeng kamag-anak ko," seryosong sabi ni Kuya Niko.

"Patay tayo diyan. Wala tayong magagawa mga pre. Hanggang sulyap lang tayo," sabi nung pinakamatangkad.

"Itigil niyo na yan. Naiirita na ata 'tong si Yoona," sabi nung lalaking hindi ko madescribe. Sa tingin ko ay siya ang pinakamatino sa kanila.

Sumakay na ako sa may front seat habang ang tatlong kaibigan ni kuya ay sumakay sa back seat.

"Kahit ligawan niyo yang si Yoona ay hindi kayo tatagal sa ugali niya." Nilingon ko si Kuya Niko at saka ko siya tiningnan ng masama.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon