Chapter Three

47 4 7
                                    

Unang araw ng school year ngayon, hindi naman ako naeexcite kaya hindi ko gaanong binilisan ang pagkilos ko. Sana naman ay hindi ko na maging kaklase ang mga kinaiinisan ko noon sa loob ng klase. Panira kasi talaga ng araw ang mga 'yon.

Sabay kaming pumasok ni kuya Niko dahil sabi ni lolo ay iyon na raw ang magiging service namin. Para hindi raw kami mahirapang sumakay tuwing pauwi.

Pagkarating namin sa school ay dumeretso na ako kaagad sa classroom. Tulad ng dati ay sila pa rin ang mga kaklase ko. May mga bagong mukha pero hindi ko pinansin dahil hindi naman ako interesado. Nag-open na lang ako ng facebook at saka nagpost ng status.

First day of classes.

Nagcomment naman kaagad si Gab.

See you later, baby girl. <3

Hindi ko na lang siya pinansin. Inilibot ko lang ang mga mata ko sa loob ng classroom, ang iba ay nagkukwentuhan, ang iba ay nahihiya pa kunwari. Haynako sa umpisa lang 'yan.

Naagaw naman ng aking pansin ang lalaki na nakaupo sa harap bandang kanan. Side view lang ang nakikita ko kaya tinitigan ko siya ng maigi. Parang pamilyar siya, hindi ko alam kung saan ko siya nakita pero sa tingin ko talaga ay nagkita na kami dati.

Nag-iwas naman ako ng tingin nang bumaling siya sa akin. Nagkatitigan kami saglit. Weird. Nakita ko na talaga siya pero hindi ko maalala.

Tumingin ulit ako sa kanya at nakatingin pa rin siya sa akin.

Geez, parangawa 'yang mata mo baka matunaw ako.

Ilang saglit lang ay pumasok na ang aming guro sa una naming subject. Deretso kaagad sa aming lesson, hindi uso ang magpakilala kaya ikaw na ang bahala kung paano mo makikilala ang mga bago mong kamag-aral.

Kahit papaano ay seryoso ako sa aking pag-aaral. Minsan ay tatamarin ako pero hindi ko hinahayaang bumagsak ako dahil hindi matutuwa sila mama at papa sa akin. Baka pag-aralin pa nila ako sa Seoul at ayokong mangyari 'yon.

Natapos ang klase sa umaga kaya kaagad akong nagpunta sa canteen. Nakita ko naman sila kuya Niko at ang mga kaibigan niya sa loob, nakaharap ang likod nila sa akin kaya hindi nila alam na paparating ako.

Ilang metro pa lang ang layo ko sa kanila ng may magsalita sa likod ko.

"Excuse me, Miss."

Teka, parang pamilyar yung boses. Saan ko ba narinig ang boses na 'yon? Dumaan siya sa harap ko kaya nakita ko ang itsura ng lalaki. Kaagad kong naalala kung sino siya.

"Ikaw?!" medyo malakas kong sabi. "Tama, ikaw nga 'yon!" dagdag ko pa.

Napalingon silang lima sa akin.

"Yoona," narinig kong sabi ni kuya Niko.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Gab.

"Hindi."

"Hindi!"

Sabay naming sagot. "Eh ano ba 'yong ibig mong sabihin, baby girl? Sinong tinutukoy mo?"

"Siya," sabay turo ko sa lalaking nasa harap ko.

"Ako?" nagtataka niyang tanong.

"Ikaw yung bumangga sa akin noon sa airport na hindi man lang ako tinulungan. Akala mo ba nakalimutan ko na 'yon? Kalalaki mo pang tao wala kang pagkukusa. Sa bagay ay naubos na talaga ang mga gentlemen ngayon," walang preno kong sabi. Napansin kong pinagtitinginan na ako ng mga tao dito. Eh kasi naman, nag-init talaga ang ulo ko lalo pa't nakita ko nanaman itong si Gab. Immature na kung immature. Kainis eh.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon