Nagising ako ng maaga dahil maaga rin akong nakatulog kahapon. Naka-uniporme ako magdamag dahil hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Namumugto pa ang mga mata ko at ang sakit din ng kaliwang braso ko.
Medyo maliwanag na kaya naman nagbihis na ako at lumabas para magjogging. Naglagay din ako sa fridge ng note na hindi ako sasabay kay kuya Niko. Ang sabi ko ay baka mauuna akong papasok. Ang dami kasing tumatakbo sa isipan ko, kailangan kong mag-isip. But then I was surprised when Josh showed up. Oo nga pala, nakatira nga pala kami sa iisang street.
"Good morning!" Sinabayan niya ako.
Papansinin ko ba 'to? Hindi pa nagpafunction ng maayos ang utak ko.
"Sorry nga pala kahapon, dapat hindi na ako pumatol." I can feel his sincerity. Anong sasabihin ko? Okay lang? Okay na kasi natapos na? Sa huli, ay hindi ko pa rin siya pinansin.
"Okay lang kahit hindi mo muna ako patawarin ngayon. Kaya ko namang maghintay."
Ang awkward! Dapat pala dinala ko na lang ang cellphone ko at nagsoundtrip na lang para hindi ko siya marinig.
"Oo nga pala. Tapos ko na 'yong pinagagawa mo sa akin. I-pass na ba natin mamaya?"
Natigil ako, pati rin siya tumigil. Oh shit! Nakalimutan kong gawin 'yon! Eh nakatulog ako, nawala sa isip ko!
Umatras ako at saka bumalik sa bahay. Nagtaka naman siya pero sumunod siya sa akin pabalik. May mga sinabi pa siya pero hindi ko na narinig ang mga 'yon kasi ang iniisip ko na lang ang 'yong hindi ko natapos. Nagmadali ako. Anong oras na ba? Omayghad! Malelate ako nito! Minadali ko ang paggawa dahil sinabi ko na ngayon namin ipapasa, dapat matapos ko 'to.
Nang matapos ako ay dali-dali akong nagbihis. Nagulat naman si lola nang makita niya ako, akala niya raw ay nauna na ako. Hindi na ako nagpaliwanag basta ay nagpaalam na lang ako. Geez. Hindi pa nangyayari sa akin ang ganito, ngayon lang talaga. My head hurts, feeling ko ay hihimatayin na ako.
Pagdating ko sa classroom, nagsimula na ang klase dahil late na talaga ako. Lahat ng mata ay sa akin nakatingin.
"Sorry, I'm late," hinihingal kong sabi. Tumakbo kasi ako pagdating ko sa gate kaya sobrang hinihingal ako ngayon.
"Miss Kim, are you okay?" tanong ni Mrs. Javier.
I nodded. Hinihingal pa rin ako. Halata bang sobrang stressed ako?
"Next time, come earlier. I won't tolerate this kind of discipline."
"O-opo." Damn. I'm shaking. Hindi nga pala ako nakakain ng agahan.
Itinuloy naman ni Mrs. Javier ang pagtuturo, ako naman ay hindi nakapag-isip ng maayos. Naghalo ang antok, pagod at sakit ng ulo ko kaya kahit makinig ako ay wala talagang pumapasok. Nakita ko naman si Josh na nakatingin sa akin, tama ba ako sa nakita ko? Para kasi siyang nag-aalala. Sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Nang magbreak ay kaagad kong ipinatong ang ulo ko sa lamesa. Bibigay na talaga ang mga mata ko. Power nap, kahit nap lang. Hindi pa ako nakakaidlip ay may nangalabit sa akin. Walang gana kong tiningala kung sino 'yon.
"Inumin mo muna 'to," nilapag niya ang iced coffee sa lamesa ko.
"Hindi ako nagkakape." Binalik ko na lang ang ulo ko sa lamesa.
"Bakit ka late? Maaga ka namang nagising. Sabay pa tayong nagjogging."
Hindi ako sumagot. Inaantok talaga ako.
"Kumain ka ba? Gusto mo bang ako na lang ang bumili ng pagkain mo?"
Ang thoughtful niya ata ngayon. "No, thanks." Sorry pero inaantok na talaga ako. Hindi naman na niya ako kinulit kaya kahit papaano ay nakaidlip ako bago pa dumating ang susunod naming teacher.

BINABASA MO ANG
When I Met You
Novela JuvenilKwento ng dalawang taong pinagtagpo ng tadhana. Magkasalungat ang ugali at magkaiba ang lahi, pero sa pagdating ng pag-ibig, pagtingin sa isa't isa ay hindi maikukubli. © 2017 Queenzelle Dela Cruz Midyum: Ingles at Filipino