Si Gab? Saan naman nakuha ni Gab ang number ko? Narinig ko ulit na tumunog ang cellphone ko.
From: 09*********
Number 'to ni Gab. Si Josh 'to.
Anong kailangan niya? Anong oras na oh. Tumunog ulit anag cellphone ko.
From: 09*********
May mga homeworks ba tayo?
Seryoso ba ang lalaking 'to? Tumatawag ng ganitong oras pala lang magtanong kung may homeworks o wala? Hindi ko siya nireplyan at saka wala rin kasi akong load pangreply pero syempre mas pipiliin ko pa ring huwag magreply kahit na may load ako.
Kinabukasan ay ganoon pa rin ang set up sa school. Magtuturo, seatwork at kung ano-ano pa. Sinabi naman ni kuya Niko na tuwing hapon lang sasabay ang mga kaibigan niya kasi raw napakaaga naming pumapasok.
Hindi na ako sumabay sa kanila sa pagkain dahil sanay naman na akong mag-isa. Baka masira lang ang araw ko kapag kasama ko nanaman sila lalo na't nandoon ang magpinsan.
Kinahapunan ay ganoon nanaman, nang magdismiss ang huli naming guro ay nag-ayos kaagad ako ng aking mga gamit. Naramdaman ko naman na may nakatayo sa harap ko kaya tiningala ko kung sino man iyon.
Si Josh.
"Sabay na tayo," wika niya.
"Mauna ka na. May gagawin pa ako" pagrarason ko.
Sa totoo lang ay wala naman talaga akong gagawin, ayaw ko lang talagang sumabay sa kanya.
"Hihintayin na lang kita," seryoso ang boses niya.
"Mauna ka na, please," pagmamakaawa ko. Halata rin na may halong pagkairita sa boses ko.
"Paano kung ayaw ko," rinig kong sabi niya.
Tiningala ko siya at nakita kong nakangisi siya. Magpinsan nga talaga sila ni Gab. Napakakulit nila.
"Bakit, bakit ba ang kulit mo?" inis kong sabi.
"Bakit ba ayaw mong sumabay sa akin?"
"May gagawin pa ako."
Kumukulo na talaga ang dugo ko parangawa ilayo niyo sa akin 'tong lalaking 'to.
"Hihintayin nga kita." Parang gusto niya pa ata akong mainis.
"Hindi na kailangan. Baka may gagawin ka pa kaya mauna ka na."
"Hihintayin ka rin naman namin so bakit hindi na lang kita hintayin dito."
"Hihintayin mo ako?" tanong ko nang nakangiti.
Tumango siya ng nakangiti rin. Tumayo ako nang hawak ang mga gamit ko.
"Dito ka lang. Hintayin mo ako."
"Sige."
Naglakad na ako palayo at saka ako tumakbo nang makalayo ako sa classroom namin. Manigas ka riyan! Nagpunta na ako sa parking lot at hinanap sila.
"Akala ko sabay kayo ni Josh?" tanong kaagad ni Gab.
Hindi ako umimik. Pumasok na lang ako sa loob at hindi ko na sila kinausap.
"Nagtext kasi siya sa akin kanina. Hihintayin ka pa raw niya at sabay na kayong pupunta dito."
Maya-maya ay nakita naming siyang papalapit sa sasakyan. Seryoso ang mukha niya at mukhang galit na hindi ko mawari.
"Oh dude. Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Jon.
Umiling lang siya at pumasok na sa loob.
"Nag-away ba kayo?" tanong ni Aaron.
BINABASA MO ANG
When I Met You
Teen FictionKwento ng dalawang taong pinagtagpo ng tadhana. Magkasalungat ang ugali at magkaiba ang lahi, pero sa pagdating ng pag-ibig, pagtingin sa isa't isa ay hindi maikukubli. © 2017 Queenzelle Dela Cruz Midyum: Ingles at Filipino