Nagkakilala tayo sa AS. Sa isang classroom sa first floor. Pareho tayong freshman sa isang GE class at naging close tayo. Matagal na rin kaya hindi ko na masyado maalala ko pano tayo naging close. Basta simula nun, hindi na tayo mapaghiwalay. Pareho tayo ng org na sinalihan, sabay tayong mag-lunch, mag-dinner. Basta we were always together. Sabay tayong lumaki, sabay na nagbago ang ideals at namulat sa realidad ng mundo. We were the best of friends, yung tipong every other year magkasama mag-celebrate ng Christmas ang families natin. Dumating rin sa point na laging tinatanong ng mga magulang natin kung kailan daw ba magiging tayo. Yun na lang daw ang kulang satin.
Pati friends and orgmates natin lagi tayong tinutukso. Bakit pa raw kasi pa-bestfriend pa tayo e sa pagiging magsyota rin naman daw tayo babagsak. All through the years natin sa UP, lagi nila tayong sinasabihan ng ganun pero di natin sila pinapansin.
YOU ARE READING
Telenovela Love, 1998, Social Sciences & Philosophy
Short StoryI'm not the owner of this story i just read it from Facebook. And just eant ti be share here in Wattpad