Pero on the day na sasabihin ko na sayo na may cancer ako, naunahan mo ko at sinabi mo sakin na kakapanganak lang ng asawa mo. Lalaki ang panganay niyo. Hindi mo alam na buntis pala siya nung umalis ka. Hindi niya sinabi sayo dahil sobrang galit siya pero kinalaunan naisip niyang may karapatan kang malaman na may anak na kayong dalawa.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa noon. Wala na rin pala akong pagasang sumaya. Hindi ko pagkakaitan ang isang inosenteng bata ng ama niya dahil lang sa sobrang pagmamahal ko. Napaka-destructive ng love ko para sayo. Pero di ko sisirain ang buhay ng anak mo.
New Year 2012. Iniwan kita. Natutulog ka ng mahimbing. Nilagay ko ang passport mo at isang ticket pabalik ng Pilipinas sa lamesa kasama ng isang sulat kung saan nagmakaawa ako sayong pakawalan mo na ko at bumalik ka na sa pamilya mo. Kahit kailan di ko ipanagtapat sayo yung tunay na kalagayan ko. Mas mabuti na rin siguro na hindi mo alam. Mas mabuti na siguro kung iisipin mo na lang na iniwan kita kasi di na kita mahal kaysa malaman mo yung totoo. Mas matatanggap ko kung magagalit ka sakin kaysa maawa ka.
YOU ARE READING
Telenovela Love, 1998, Social Sciences & Philosophy
Short StoryI'm not the owner of this story i just read it from Facebook. And just eant ti be share here in Wattpad