Akala ko dati, ako yung taong hindi kayang maging kabit ng kung sino mang lalakeng may asawa. Akala ko kakainin ako ng konsensya ko pero totoo pala yung love sa mga telenovela no? Kapag mahal mo yung tao, lahat gagawin mo, kahit pa may nasasaktan kang iba, para lang mapasayo yung taong mahal mo.
Sobrang naging selfish ako nung mga panahong yun. Ang iniisip ko, mamatay na rin naman ako e. Gusto ko lang makaranas ng kasiyahan sa mga nalalabing oras ng buhay ko. Kahit hiram na kasiyahan lang sa asawa mo, sana pagbigyan na nya ko. Sana pagbigyan na ko ng tadhana na kahit sandali lang bago ko mamatay masaya ko.
Then dumating yung time na kintatakutan ko. Simula nung dumating ka sa US, never mo sinagot ang emails and messages sayo ng kahit sinong kakilala mo sa Pilipinas. But then you began communicating with your wife again. I had no idea what the nature of your conversation was. Ang alam ko lang, eto na yun. Malapit ka nang umalis ulit. Malapit mo na kong iwan ulit.
Kaya naisip ko, kung sasabihin ko kaya sayo na may sakit ako, will you stay? You probably would. Ayokong gamitin yung sakit ko para maitali kita sa akin pero wala na akong iba pang maisip. Hindi ko kakayanin kung iiwan mo ko ulit. Blackmail na kung blackmail. Mali na kung mali. Wala akong pakialam.
YOU ARE READING
Telenovela Love, 1998, Social Sciences & Philosophy
ContoI'm not the owner of this story i just read it from Facebook. And just eant ti be share here in Wattpad