Part 9

2 0 0
                                    

Ang sabi ko sayo baliw ka. Nagmakaawa ako sayong umuwi ka na sa Pilipinas. Lumuhod ako at umiyak at sinabi kong ayokong maging maninira ng pamilya pero sabi mong hinding-hindi mo na ko iiwan. Na kailangan mong mag-apologize para sa lahat ng nagawa mo sakin.

Pinatuloy kita sa pamamahay ko. Tao lang ako. Mahina lang din ako. At dahil mahal na mahal kita, hindi ko magawang humindi. Hindi ko sinabi sayong may sakit ako kasi alam kong matatauhan ka rin naman at babalik ka sa asawa mo. Kung malaman mong may sakit ako, hindi ka aalis kahit gusto mo na kong iwan kasi magi-guilty ka. Kilala kita e.

For a while, we played house. I did my best na itago sayo ang condition ko. At times, sobrang hirap dahil pahina na ng pahina ang katawan ko. There were days when I can barely get out of bed. Ganun kasakit. Pero you stayed with me. Took care of me. Sa mga days na sobrang sakit, niyayakap mo ko at kinakantahan mo ko ng Hey Jude, tulad ng dati.

During that time din, sinabi mo sakin na nagkamali ka. Na mahal mo rin pala ko katulad ng pagmamahal mo sa asawa mo. Masaya na ko, kaso kahati ko pa rin siya. Pero wala akong pakialam. I’ll take what I can get.

Telenovela Love, 1998, Social Sciences & PhilosophyWhere stories live. Discover now