Madalas rin namang mauwi sa mga ganung topic ang paguusap natin. Minsan nasabi mo sakin na never mo pang nararanasan ma-inlove ng katulad sa mga telenovela. Yung tipong papatay at gagawa ng kung anu-anong katangahan para sa taong mahal mo. Ang sabi ko sayo di naman ata totoo yung love na katulad sa tv. Di naman kailangan maging OA pag in love.
I was wrong though.Nainlove ako sayo. As in nahulog talaga. You were my first love. Hindi ko alam kung pano. Hindi ko alam kung kailan basta ang alam ko kailangan kita sa buhay ko at hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Siyempre hindi mo alam yun. Di rin naman ako nagtapat bilang duwag ako at ayokong mawala ka sakin.
Tapos isang araw bigla na lang nagbago tingin mo sakin. Sa pagkakatanda ko, nagsimula ang lahat nung nagkasakit ako nung last year natin sa UP. Magpapasko nun at wala akong ibang kasama sa apartment na tinutuluyan ko. Hindi ako makauwi samin kasi nga may sakit ako at di ko kayang gumalaw. Hindi pa masyadong uso ang cellphones nun kaya wala akong way para ma-contact ka kaya nagulat na lang ako nung dumating ka. Akala ko umuwi ka na sa inyo, instead inalagaan mo ko buong araw. Napaka-patient mo pa sakin kasi nung umiiyak na ko sa sobrang sama ng pakiramdam ko niyakap mo lang ako at kinantahan mo ko.
YOU ARE READING
Telenovela Love, 1998, Social Sciences & Philosophy
Short StoryI'm not the owner of this story i just read it from Facebook. And just eant ti be share here in Wattpad