Sobrang sakit pero pinilit kong ipakita sayo na ok lang. Na kaya kong tanggapin na hanggang best friend lang talaga ang pagtingin mo sakin. Na nag-settle ka lang for second best at since nakita mo na yung best, the love of your life, ready ka na mag move on. Pinatawad kita kasi mahal kita e pero hindi na naisalba ang friendship natin. Naisip ko pa nun, dalawang linggo na lang, bat di pa umabot? Pero naisip ko rin na mas mahirap nga naman kung natuloy yung kasal natin pero di mo naman ako mahal.
After nun, sa sobrang humiliation and pain, I ran away to the States with my family and I never spoke to you again. I spent a few years there and tried to rebuild my life na nasira ng sobrang pagmamahal ko sayo. On my second year, sa US, nagkasakit ako. I was diagonsed with stage 2A bone cancer. Nasa lahi rin namin but still, it was surprising. May hope pa naman for treatment so lumaban ako. Radiation. Chemo. Ginawa ko lahat. For a while, I was in remission. Akala ko nanaman yun na. Akala ko second chance ko na yun para sumaya.
Mali nanaman ako. Bumalik yung cancer ko and this time, mas malala na sya. Pwede pa rin naman daw i-treat kaya lang pampahaba na lang raw ng buhay ko yun. Di na raw ako gagaling. Maghintay at magdasal na lang raw ang magagawa ko. Nung una, hindi ko matanggap. Hindi ako makapaniwalang hanggang dito na lang ang lahat ng pinaghirapan ko. Eventually, natanggap ko rin. Mahirap. Masakit. Pero ano bang magagawa ko?
YOU ARE READING
Telenovela Love, 1998, Social Sciences & Philosophy
Short StoryI'm not the owner of this story i just read it from Facebook. And just eant ti be share here in Wattpad