Napaiyak na lang ako. E anong gusto mong gawin ko? Umarte na parang best friend mo pa rin kahit sobrang pakiramdam ko nagamit ako? Pero higit sa lahat, napaiyak ako kasi narealize kong after all these years, mahal na mahal pa rin kita. At mamatay yata akong ikaw lang ang minahal ko.
Ewan. Binigay mo saking ang number mo at naghiwalay tayo nung araw na yun ng mabigat ang kalooban ko. 2011, nagpasya ko na bumalik sa States. Tinext kita at sinabi kong babalik na ko sa Amerika. Di ko alam kung bat pa ko nagpaalam sayo. Di ka rin naman sumagot.2 months after kong makabalik sa States, nakatanggap ako ng email galing sayo. Di ko alam kung san mo nakuha email address ko. Tinanong mo kung san ako nakatira. Nung una ayokong sumagot pero di rin naman ako nakatiis. Binigay ko rin sayo address ng apartment ko.
Nung dumating ka, may daladala kang isang malaking suitcase. Natakot ako kasi, anong ibig sabihin nun? Then sinabi mo sakin na iniwan mo yung asawa mo. At least, yun ang pagkakaintindi ko. Sabi mo nagaway kayo at sabi mo sa kanya gusto mo lang hanapin ang sarili mo. Na bigyan ka lang niya ng ilang buwan. Siyempre hindi siya pumayag kaya bigla ka na lang umalis. Tumakas.
YOU ARE READING
Telenovela Love, 1998, Social Sciences & Philosophy
Short StoryI'm not the owner of this story i just read it from Facebook. And just eant ti be share here in Wattpad