Rogue POV
It is such a nice day. Nandito ako ngayon sa loob ng hotel.
Inayos ko na ang sarili ko. Nagsuot na ako ng black na coat. Tumingin ako sa salamin. I look nice. Maayos na ang hitsura ko.
It's been a long time since I saw my friends. I really miss them. May kanya-kanya naman kaming buhay kaya miss ko na rin sila.
Lumabas na ako sa room ko. Habang naglalakad sa hallway ay may tumawag sa akin.
"Rogue kun!"
Lumingon ako at nakita ko si Kagura pati ang finace niya na si Vincent.
"Oh hi! Long time no see..." Nakangiti 'kong sabi.
Ngumiti na lang si Kagura at Vincent. Nakasuot ng red na gown si Kagura. Malaki na ang tiyan niya. Buntis kasi...
"Ang laki na ng tiyan mo ah! Dapat ninong ako sa baby niyo," nakangiti 'kong sabi.
"Oo naman Rogue! Syempre isa ka sa mga ninong ni baby..." Sabi ni Vincent.
"Kagura... Ang sexy mo pa rin kahit malaki na tiyan mo," sabi ko.
"Lagi naman akong sexy," natatawa niyang sabi.
Pinsan ko si Kagura. Medyo boyish siya. Hindi ko tuloy inakala na magpapabuntis pala siya hahahahah.
"Baby boy ba o girl?" Tanong ko.
"Secret!" Sabay nilang sabi at tumawa na sila.
"Secret pa kayong nalalaman! Punta na nga tayo sa venue," natatawa 'kong sabi.
Naglakad na kami papunta sa simbahan. Nasa Canada kami ngayon. Pagdating namin sa simbahan ay nakita ko na ang mga friends ko.
Ang ganda sa loob. Punong-puno ng white roses. Burgundy and white ang motif ng kasal nila.
Napangiti na lang ako nang makita ko si Dennis, James at Peter.
"Nandito na pala kayo. Namiss ko kayong lahat," sabi ko.
"Namiss ka rin namin," sabi ni Peter.
"Anong namin? Ang sabihin mo, kayo na ni Rogue ang susunod na ikakasal," sabi ni Dennis kay Peter.
Umiwas na lang ng tingin si Peter sa akin at halatang nahiya siya.
"Kahit kelan talaga Dennis! Itikom ko 'yang bibig mo!" Inis na sabi ni Peter.
Tinawanan na lang kami ng mga kaibigan namin.
"By the way... Peter, you look so handsome in your outfit," sabi ko.
"Hmmm... Thanks..." Nahihiya niyang sabi.
"Ayyyyiiiieeee hahahahhah!" Sigaw ni Dennis at Vincent.
"Paki-invite na lang kami kung kailan kayo ikakasal..." Sabi ni Kagura.
Lalo kaming tinawanan ng mga kaibigan namin. Bisexual kasi si Peter at ako rin naman minsan na ring nagkagusto sa lalake kaya talagang inaasar kaming dalawa.
Lumapit sa akin si Kagura at binulungan niya ako sa tenga.
"Rogue... Hindi ka na lugi kay Peter. Gwapo siya... Baka mamaya kapag nagkalasingan kayo mamaya... Alam na," sabi ni Kagura sabay tawa.
"Sira ka talaga hahahah. 'Wag kang mag-isip ng ganyan baka mamaya lumaking ganyan ang bata diyan sa tiyan mo," natatawa 'kong sabi.
"Ay oo nga pala..." Sabi niya.
"Guys!"
Lumingon kami at nakita namin si Raypaul. Ang gwapo niya rin sa suot niya. Burgundy ang suot niya at bagay sa red hair niya.
BINABASA MO ANG
Hearts on Fire
Romance#15 in sorrow In the name of love, how much you wanna risk? They said that you need to sacrifice for the ones you loved. Love is equivalent to pain. Loving someone is equal to hurting your feelings. How much pain you can take? How much tears you c...