Lumipas din ang mga araw. Bumalik na ako sa dati 'kong buhay. Mabuti na lang at off ko ngayon kaya nagpapahinga muna ako sa bahay.
"Anak... Pwede bang mag-grocery ka muna? Masakit ang katawan ko," sabi ni mama.
"Ay sige po..."
Binigay ni mama ang listahan ng mga bibilhin. Medyo marami ang pinapabili ni mama.
Pumunta na kaagad ako sa grocery. Every month talaga pumupunta kami sa grocery. Minsan si mama lang ang bumibili kapag may pasok ako sa trabaho.
Habang pumipili ako ng canned goods ay nagulat ako dahil bigla na lang may yumakap sa likod ko at tinakpan ang mga mata ko.
"Si-sino 'to?" Kabado 'kong tanong.
Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa batok ko kaya tumaas ang mga balahibo ko. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.
"I'm your destiny..." Sabi niya sa seductive na boses.
"Sino ka ba? Bitawan mo nga ako!" Inis 'kong sabi.
Pinipilit 'kong pumalag pero hindi ako makakilos. Mukhang malakas 'yung lalake na nakakapit sa akin.
"Bitawan mo ako! Isa!"
Lalo niyang hinigpitan ang kapit niya at ramdam ko ang mainit na hininga niya.
"I know how to count... Dalawa..." Bulong niya.
"Ano bang trip mo? Bitawan mo ako!"
Maya-maya ay niluwagan na niya ang pagkakakapit niya sa akin. Inayos ko ang sarili ko.
Nabigla ako dahil paglingon ko doon sa lalake ay nawala siya bigla. Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Nasaan na 'yun? Ano? Ninja ba 'yun?"
Napansin ko ang lola na malapit sa akin. Naisip ko na tanungin si lola.
"Ehem... Lola nakita niyo po ba 'yung lalake na nagtakip sa mata ko kanina?" Tanong ko.
"Ay 'yung boyfriend mo iho? Nasa likod mo lang," sabi ng lola.
"Huh? Boyfriend ko po?" Nagtataka 'kong tanong.
Boyfriend ko daw? Wala naman akong boyfriend. Tumalikod na lang ako at...
"Ako ba ang hinahanap mo?" Seryoso niyang tanong.
"Ay pekpek ng manok!" Gulat 'kong sigaw.
Nagulat tuloy ako! Tama ninja nga 'yung tumakip sa mga mata ko kanina. Half Japanese kasi siya.
Ang gwapo... Ang kinis ng kutis niya. Ang tangkad pa niya. Mas matangkad pa sa akin. Mukha siyang Korean actor. Maputi tapos grabe 'yung muscles niya pumuputok. Yummy yum hahahahah.
"Ano ba? Aatakihin ako sa puso dahil sa ginagawa mo. Basta-basta ka na lang sumusulpot!" Inis 'kong sabi.
"Ito naman... Minsan na nga lang ako mag-biro," sabi ni Rogue.
Seryoso na naman ang mukha ni Rogue. Tama... Minsan nga lang siya magbiro kaya dapat sinakyan ko na lang.
"Basta 'wag mo nang uulitin. Magugulatin pa naman ako. Baka atakihin ako sa puso," sabi ko at nginitian ko na siya.
"Ok lang... Iingatan ko naman ang puso mo eh..." Sabi niya.
Nabigla tuloy ako sa sinabi niya. Pero ibang bigla... 'Yung bigla na may kilig hahahhah.
"Aba! Marunong ka ring bumanat ah!" Sabi ko sabay suntok ng mahina sa braso niya.
Parang wala lang 'yung mahina 'kong suntok. Ang tigas ng muscle niya sa braso.
BINABASA MO ANG
Hearts on Fire
Romance#15 in sorrow In the name of love, how much you wanna risk? They said that you need to sacrifice for the ones you loved. Love is equivalent to pain. Loving someone is equal to hurting your feelings. How much pain you can take? How much tears you c...
