Chapter 2: Kiss

3.9K 137 5
                                    

Peter POV

Nasa reception kami ngayon ng kasal nila Kith. Grabe... Talagang nagpagawa pa sila ng passport at visa para makapunta kami dito sa Canada.

Mayaman kasi si Kith. May-ari siya ng sikat na casino. Siya rin ang sumagot ng tickets pati accomodation sa hotel.

"Guys inom pa!" Sigaw ni Raypaul.

Naglabas siya ng maraming wine sa table namin.

Tumingin ako sa mga kasama ko at medyo may tama na ang iba. Si Kagura lang ang hindi umiinom kasi buntis.

"Vincent... Kailan naman kayo magpapakasal ng kapatid ko?" Tanong ni Kith.

Hindi talaga magkapatid si Kith at Kagura pero parang kapatid na talaga ang turingan nila.

"Marami pa kasi kaming inaayos. Gusto kasi ni Kagura na enggrande daw ang wedding namin," sabi ni Vincent.

"Aba! Siguraduhin mo na pakakasalan mo si Kagura. Yari ka sa amin ni Rogue," natatawang sabi ni Kith.

"Oo naman! Dapat pupunta kayong lahat," sabi ni Vincent.

"Ano naman ireregalo mo sa kasal namin?" Tanong ni Kagura kay Kith.

"Sagot ko na pa-fireworks," nakangiting sabi ni Kith.

Uminom na lang ako ng wine. Medyo nahihilo na rin ako. Matapang kasi 'yung wine. Nananapak hahahah.

"Peter nakita namin 'yung cover mo sa magazine ah! Ang hot mo dun!" Sabi ni Dennis.

"Oo nga! Ang yummy mo dun!" Sabi naman ni James.

"Ay ganun ba? Salamat..." Nahihiya 'kong sabi.

Ayoko kasi ng masyado akong pinupuri. Alam ko naman na gwapo ako hahahah. Ang yabang ko rin.

Si Kith talaga ang dapat na model sa magazine kaya lang pinalit niya ako na model sa casino niya kasi ayaw niya raw ng exposure.

"Inom pa kayo!" Sabi ni Raypaul.

Nilagyan niya pa kami ng wine. Medyo nahihilo na rin ako.

Nagulat kaming lahat at pinuno ni Raypaul ang wine glass ni Kith.

"Uy Raypaul ko... Ang dami naman niyan. Bakit pinuno mo ang wine glass?" Tanong ni Kith.

"Para malasing ka kaagad lalabs! Tapos mag-honeymoon na tayo mamaya. Rawr!," sabi ni Raypaul sabay lip bite.

Natawa na lang kaming lahat. Ang manyak tingnan ni Raypaul hahahah.

"Grabe... Mahiya ka naman sa mga kaibigan natin," natatawang sabi ni Kith.

"Bakit naman ako mahihiya? Jusme! Hindi na tayo mga bata hahahah," sabi ni Raypaul.

Nagulat kami at biglang inubos ni Kith yung wine glass niya na punong-puno.
Hindi man lang nasamid si Kith.

"Oh dahan-dahan lang lalabs," sabi ni Raypaul.

Tinitigan ni Kith si Raypaul at mukhang lasing na si Kith.

"Lalabs gusto mo na bang magpahinga? Parang lasing ka na," sabi ni Raypaul.

"Ayaw ko pa... Gusto ko pa dito," sabi ni Kith na nagmamaktol at parang bata.

"Guys... Kailangan na magpahinga ni lalabs. Lasing na siya eh," sabi ni Raypaul.

"Ay sige... Enjoy kayo," sabi ko.

Inalalayan na ni Raypaul na tumayo si Kith kasi lasing na talaga siya.

"Saan tayo pupunta Ray?" Tanong ni Kith na lasing.

Hearts on FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon