Minsan.
Habang ako'y naglalakad sa daan,
May nakita akong dalawang magkasintahan.Ng mga oras na yon,
Tinanong ko ang sarili ko.Kung magiging tayo ba,
Magiging katulad kaya nila tayong dalawa?
Kung magiging tayo ba,
Ikaw at ako kaya ay magiging masaya?Pero hindi.
Alam kong hindi iyon mangyayari.
Dahil kahit saang angulo ko tingnan.
Alam kong hanggang kaibigan lang ang turingan.Sa bawat matatamis na salita na iyong binibigkas.
Tila ako'y nabibingi sa tibok ng puso kong malakas.Sa bawat pagdating mo,kapag kailangan kita.
Naghihinala ako ng iba.
Ako'y umaasa.Umaasa.
Na sana isang araw magising nalang akong mamahalin mo na ako.Na sana isang araw lilinawin natin ang relasyong hindi matukoy kung ano.
Na sana bigyan mo na ng label ang pinapakita mong ito.
Dahil kung tatanungin mo ako,
Sasabihin kong gulong gulo na ako,
Gulong gulo na ang utak ko.Hindi ko alam kung may tayo.
Kung magkakaroon nga ba ng tayo.
Kung pinapaasa mo ako.
O imahinasyon ko lang lahat ng ito.Kaya,
Pakiusap lang.
Kung wala talaga.
Pakitigil na.Dahil kapag "walang label" ang isang relasyon,
Parang patuloy mo lang pinapaasa ang isang tao na merong pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Word Poetry
PoetryHighest Rank in Poetry - #1 Minsan. Kailangan mo lang ilabas lahat ng galit. Para naman mabawasan, Ang sa puso'y hinanakit. Ito ay para sa mga taong umasa, pinaasa, at patuloy paring umaasa.