Pag sikat ng araw.
Saka mo ako iwan.
Habang ang ulap ay kulay bughaw.
Umalis ka na saaking harapan.Sana ganoon lang kadaling ipagtabuyan ka.
Na kapag naglaho na ang nadarama, hahanap na lang ako ng iba.
Pero bakit ikaw parin ang naaalala?
Bakit sa lahat ng taong kilala ko, ikaw pa?Hanggang sa lumubog ang araw, pwedeng dito ka muna?
Hanggang sa paggabi wag muna.
Hayaan mo akong makatulog sinta.
Baka hindi masyadong masakit ang madama,kapag paggising ko iniwan mo na ako mg magisa.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Word Poetry
PoetryHighest Rank in Poetry - #1 Minsan. Kailangan mo lang ilabas lahat ng galit. Para naman mabawasan, Ang sa puso'y hinanakit. Ito ay para sa mga taong umasa, pinaasa, at patuloy paring umaasa.