Ito na.
Ito na ang pangwalong tulang aking ginawa.
Pero bakit tila hanggang ngayon ay manhid ka?Ilang tula ba ang kailangang kong ibigay sayo?
Bakit ang labas ay ikaw si Stella at si Fidel naman ay ako?Pero kahit ganon,
May gusto akong iparating sayo.Limang salitang gumagambala sa buhay ko.
Limang salitang gustong mabanggit sa harapan mo.
Limang salitang matagal nang gustong sabihin sayo.Na sa bawat susulat ako para sayo,
Yun ang laging pumapasok sa utak ko.
Na sa bawat kausap kita,
Gustong ibigkas iyon ng mga labi ko.Paano ko ba sasabihin sayo ang limang salitang ito?
Kung inuunahan ako ng kaba ko?Paano ko sasabihin sayo ang limang salitang.
"Mahal padin kita hanggang ngayon."
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Word Poetry
PoésieHighest Rank in Poetry - #1 Minsan. Kailangan mo lang ilabas lahat ng galit. Para naman mabawasan, Ang sa puso'y hinanakit. Ito ay para sa mga taong umasa, pinaasa, at patuloy paring umaasa.