Nandito na naman ako.
Gumagawa ng tula para sayo.
Na kahit kailan ay di mo mapagtatanto,
Kung anong totoong pinapahiwatig nito.Hanggang ngayon,
At sa lilipas pang panahon.
Aasa na naman ako,
Sa muling pagababalik mo.Aasa.
I- aasa ko na lang sa tadhana
Ang muli nating pagkikita.
Dahil dun naman ako magaling,
Ang Umasa.At hihiling ako sa mga tala.
Na paaksidente tayong magkita.
Kakamustahin natin ang isa't isa pansamantala.
Bago tuluyang tahakin ang magkabilang daan nating dalawa.Baka sakaling may mabago sa nadarama.
Nadarama na dapat noon pa ay pinakawalan na kita.
Dahil dun din naman pala tayo papunta.Kung sakaling di man kita mapakawalan ngayon,
Wag kang magalala,
Meron parin namang ibang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Word Poetry
PuisiHighest Rank in Poetry - #1 Minsan. Kailangan mo lang ilabas lahat ng galit. Para naman mabawasan, Ang sa puso'y hinanakit. Ito ay para sa mga taong umasa, pinaasa, at patuloy paring umaasa.