Maraming tao ang nagtatanong. Why am i doing this poems? They thought nakipagbreak daw ako sa boyfriend ko.
Well. Para sabihin ko sa inyo.
NBSB ANG LOLA NYO! Hahahaha.
But I really did this because of a man that I can't forget. Here is the story.
--------I was grade 2 that time, at magkaklase kami. Pero naging crush ko sya since Grade 1. I thought it was just a puppy love. Until dumating ang grade 3. We were really close na umaabot sa laging kaming dalawa lang ang magkasama. I was an introvert and I only have 3 friends at dumating sya sa buhay ko. He was my first boybestfriend. Alam nya dati na may crush ako sa kanya. Dumating pa nga sa point na meron kaming roleplaying sa school and kunwari magasawa kami and my 3 friends were our childrens. Hindi ko yun sineryoso cause laro laro lang yun. Nung Valentines Day he gave me a card, na may nakasulat na 'you are the only girl that I always see.' I confronted him kung bakit pero ang sabi nya ' wala e. Yun yung naramdaman ko.' Grade 4 and 5 hindi kami magkaklase, pero nagkakausap padin naman kami.
Grade 6 nagulat ako kasi parehas kaming nalate. At si hindi inaasahang pagkakataon magkaklase kami at magkatabi pa kami ng seats which sa pinakalikod at kaming dalawa lang. Medyo nung mga first day Hindi kami nagkakausap siguro awkward? Peri nung mga week after bumalik sa dati yung closeness.Until 2 weeks before the graduation. Medyo di na kami nagkakausap. Sabi nya ' gusto mo na bang makipagdivorce?' I know he was talking about the marriage roleplaying that we did the last time. Hindi ko alam pero parang ayaw ko. Ayoko naman sabihin na crush ko pa din sya kasi iiwasan nya ako. So yun sinabi ko na lang 'ikaw bahala.' And we just laughed. Hindi na kami nagkita or nagusap before and after we graduated elementary.
Akala ko makakalimutan ko na sya. Akala ko mawawala yung feelings na yun after that time pero hindi. Grade 7, nung birthday ako he posted a throwback photo of ours. His long sweet message was hitting my heart again. At para bang ayaw bumitaw nito sa kanya. Grade 8 hindi kami nagusap sa sobrang kabusyhan siguro at nung Grade 9 nalang ulit kami nagusap sa chat.
One day I send him a chainmail at medyo inaasar asar nya pa ako. I was really in a bad mood that time pero biglang umaliwalas ang mukha ko ng nakachat ko sya. That was the time when he asked me if pwede daw ba syang humingi ng assurance. Sinabihan nya pa ako ng ' what if all those two years, ikaw pa din?' Ako naman si tanga. Umoo sa kanya. Hindi ko alam pero alam kong meron pa talaga akong feelings sa kanya. Ayun nagtuloy tuloy ang paguusap namin. Yung kahit ang daming projects sa school nagagawan ko padin replyan sya. January 15. He asked me kung pwede raw kaming magkita. I said yes naman. Ako namang lukaret hindi alam ang gagawin nung nakita sya dun sa may 3rd floor ng school namin. Lahat ng paro paro sa tyan ko nabuhay. Nung nakapagusap na kami. Ano bang ineexpect ko kundi awkwardness. Pero masaya akong nagkita kami ulit ng personal.
February 16 pumunta ulit sya sa school namin and gave me chocolates. Kilig na kilig naman si ako. I know na wala lang sakanya yun. Pero para sakin. Hindi ko alam kung bibigyan ko ba ng meaning o ano. March 10,2016 i was doing a science project at bigla akong napachat sa kanya kasi may itatanong ako. I was moved ng mauna syang magchat. Kasi laging ako ang nagfefirstmove. Ayun nasagot naman nya pero yun yung time na sana hindi ko na lang sya chinat. He saw my post about a teddybear gift. Tinanong nya ako kung sino ang nagbigay. Naubos ko na ba yung chocolates na binigay nya. At doon sinabi nya nang 'kung may gusto ka man sa taong nagbigay sayo nung teddy bear na yun or may gusto man sya sayo. I'd be happy for you.' Hindi ko alam pero tumulo ang mga luha ko ng mga oras na yun. That time alam ko nang sya padin ang sinisigaw ng puso ko. I know bata pa masyado pero hindi mo masasabi sa isang tao to stop loving that person. Hindi na kami nagusap. Lagi nalang rejected yung ibang mga messages ko. I know he's busy. Pero ramdam kong iniiwasa n nya lang ako. hanggang nagbirthday ulit ako. Expected ko na babati sya. Pero di ko alam pero iniyakan ko yun. That night my ate message him gamit ng account ko. Kinonfront nya si Mar. At sinabi ng ate ko ang lahat ng pagpapakatanga ko sa kanya. Iyak ako ng iyak that sa CR namin. Hindi alam ni ate na nababasa ko yung convo nila kasi dala ko yung phone ko. Hindi ko kinaya ang mga sinabi nyang ' Please distract her from me. Its her birthday.' ' I'm sorry for you're sister for causing her pain.' And the last was ' Forget me if that's the only cure.' Hindi ko sya kayang kalimutan. The moments together. I really treasured it kasi he was the only one na handang magbigay ng time for me. Halos araw araw , gabi gabi paulit ulit kong sinasabi na kalimutan ko na sya. Last month. I saw him at the SM Sta. Rosa. Hindi ko alam pero agad ko syang nakilala. Hindi nya ako nakita. At mabuti na yun kasi bigla akong umiyak that time. Akala ko naka moved on na ako. Pero hindi pa pala. That is why I wrote a poem for him.
--------------
For the readers na umabot hanggang dulo. Salamat sa pagtitiyaga sa pagbabasa ng kadramahan ko.
Yun ang storya ng aking pagstart ng HSWP. O masaya na? Beshywappy ko. Ibinunyag ko na.
So mga bes wag kayong mahihiyang magtanong sakin ng kahit ano thru fb or twitter or wattpad.So yun. Bukas na lang ang next tula.
Goodnight!
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Word Poetry
PoetryHighest Rank in Poetry - #1 Minsan. Kailangan mo lang ilabas lahat ng galit. Para naman mabawasan, Ang sa puso'y hinanakit. Ito ay para sa mga taong umasa, pinaasa, at patuloy paring umaasa.