Sa pagitan ng mahal kita pero mahal mo sya,
tayo'y muling nagkita.
Saksi ang haring araw,ang mga dumadaan na sasakyan sa ating pagkikita.
At doon, Noong araw na iyon sinabi mong may mahal ka ng iba.Hindi ako nagdamdam, dahil ako'y merong pagkukulang.
Hindi ako nagdamdam, dahil alam kong ako ang may kasalanan.Pakiramdam ko tumigil ang aking mga nasa paligid.
Tila ako'y nagtataingang-kawali sa aking mga naririnig.
Naririnig.
Naririnig kong sinasabi ng labi mo ang pangalan ng mahal mo.Ang minamahal mo, na ngayon ay hindi na ako.
Ako na minahal mo noon.
Ako na nasasaktan na ngayon.
pero ano nga bang magagawa ko?
Mahal mo sya kaibigan mo lang ako.
hindi patas ang laro.Ngayon,
sumasangayon ang dilim, ang kalawakan sa malungkot kong nadarama.
Nadarama na ngayong kasama kita bigla ka nalang ulit mawawala.
Mawawala.
Mawawala ng parang bula.
Iiwan ako ng nagiisa.
Dala-dala ko ang sugutan kong puso na iniwan mo ng hindi mo man lang nalalaman kung ano ang nilalaman nito.
Kung ano ang gustong sabihin nito para sa iyo.Nandito na tayo.
Nandito na tayo sa dulo.
kahit masakit kailangan kong matuto.
Matutong magpaalam sayo.
At nakita na nga kita.
Sa pagitan ng laban at ngayon nagpapaalam.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Word Poetry
PoesiaHighest Rank in Poetry - #1 Minsan. Kailangan mo lang ilabas lahat ng galit. Para naman mabawasan, Ang sa puso'y hinanakit. Ito ay para sa mga taong umasa, pinaasa, at patuloy paring umaasa.