Chapter 1:Transfer student
Kiara pov"ARAHHH"
Isang malakas na sigaw ang gimising sakin
"Eto na baba na" sabi ko at napakamot nalang sa ulo
Habang bumaba ako ng hagdan rinig na rinig ko paden ang nakakairitang boses ng lola ko
Kahit matanda na sya hindi padin kumukupas ang ganda nya mukha padin syang bata kaya pati ang boses at paguugali niya ay hindi din tumatanda
"Jusmeyo kang bata ka tanghali na at late ka nanaman sa unang araw ng pasukan nyo!" pagrereklamo nito
Tatlong taon na ang nakalipas simula ng mawala si Mom kaya si Dad, si Kuya at si Mama Reen nalang ang meron ako
Dahil sobrang apektado si Dad kaya ginawa nya ang lahat lara maging busy sya sa pagtratrabaho sa kampanya
Halos hindi na umuuwi si Dad dahil dun kaya laging kaming dalawa nalang ni Mama Reen ang magkasama sa bahay
Si Kuya naman hindi na sya umuwi ng bahay simula nung nalaman nya na wala na si mama ang huling kita nalang namin sa kanya ay nung libing ni Mom
"Oh eto kumain kana ikaw talagang bata ka hindi kana nadala" sabi nito
Umupo ako at nagumpisang sabayan sya sa pagkain
"Anong oras ang uwi mo para masabihan ko ang mga maid natin kung anong oras sila magluluto ng hapunan" patuloy lang ako sa pagsubo ng pagkain ko
"Hindi ko pa alam mama pero pagnakuha ko na yung schedule ko itetext ko nalang sayo" tumango lang ito habang pinagpapatuloy ang pagkain
Pansamantala akong napa tigil sa pagkain
"Mama Reen?" tawag ko sakanya
"Hmm" hindi ito lumingon sa akin at patuloy lang ito sa pagnguya ng kinakain nito
"Hindi padin po ba umuuwi si Kuya?" Sandaling napatigil ito para tignan ako
Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa
"Pasensya na apo pero ni anino ng kuya mo hindi ko pa nakikita sa bahay naten" malungkot nitong sabi
Alam ko may part sakin na galit ako sa kuya ko dahil iniwan nya ko kasama ng mga masasakit na salita nya pero hindi ko din magsisisi ang sarili ko kung mamimiss ko sya kuya paden kasi sya kahit anong mangyari
"sige po mama pasok na po ako baka malate nako sa school" ngumiti ito at nagpaalam sakin
palabas ko ng gate ay sumalubomg ang dalawa kong baliw na kaibigan
Sila Lila at Gel
"Napakatagal mo naman lumabas kanina pa kaming 6:30 dito 7 na oh" pagrereklamo ni Lila
"Sinabi ko bang maghintay kayo dyan" sagot ko dito
Napaayos bigla ng tayo si Lila
Etong babae talaga to kahit kailan hindi nawalan ng kaartehan at reklamo hindi ko alam paano ko naging kaibigan to e
"Alam nyo magsimula na kaya tayo maglakas kasi alam nyo malalate na tayo" sabat naman ni Lila

YOU ARE READING
Young Hearts
Fiksi RemajaThese teenagers with different dreams and goals experiencing different kind of love But what if this thing they called Love will test their friendship Can they sacrifice their own happiness for the friend whom they love?