~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
You don't find love, it finds you.
It's got a little bit to do with destiny,
fate and what's written in the stars.~ Anais Nin
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
(Sam)
Minsan kasi ang buhay ng tao ay parang laro lang yan ng taguan pong at ng habulan o di naman kaya ay laro ng patintero. Ngayon, kung ikaw ang taya, eh di ikaw ang maghahanap, sila ang magtatago. Sa habulan naman, minsan ikaw din ang maghahabol at sila ang hinahabol mo. Sa patintero naman, ikaw yung haharang ng kalaro mo na hindi pwedeng makalampas sa linya na iginuhit mo at wala kang choice kundi ang pumirmi.
Kadalasan naman iba ang taya at ikaw naman ang magtatago at sila ang maghahanap sa iyo o di kaya ikaw naman ang tatakbo at sila naman ang maghahabol sa iyo. Kadalasan din naman ay sila ang haharang sa iyo at kahit na anong gawin mo ay hindi mo ito malampasan.
Pasensiyahan na lang kung may isang mas mautak kesa sa iyo at maunahan ka sa "base" o di kaya may magpapagalaw ng lahat ng nataya mo na, at ang masakit pa sa lahat, kahit na anong gawin mong pagsisikap ay merong isang tatayo sa harap mo, haharangin ka, at wala kang magagawa dahil wala kang kakayahan at wala kang kapangyarihan o kakayahan para magwagi.
Ang ending, ikaw uli ang taya, ang api, ang kawawa. At kapag tuluyan kang minalas, natapos na lang laro ay ikaw pa rin ang taya, ikaw pa rin ang naghahanap, at hindi ka na makausad pa sa kinalalagyan mo. Ang saklap.
Paano naman kung napaloob ka sa isang sitwasyon na hindi ka naman kasali sa laro pero bakit parang pakiramdam mo ay kailangan mo ng maghabol, maghanap at humarang at sa parehong pagkakataon ay gusto mong tumakbo at magtago ng walang haharang sa iyo? Oh, di ba?
Ang masaklap pa ay hindi mo naman ginusto ang mapasok sa ganoong sitwasyon, pero napasok ka pa rin. Ano ang gagawin mo ngayon? Eh di wala. Wala nga ba? Paano kung meron pero hindi mo pa pala alam dahil inilihim ito sa iyo? May paraan ba para matuklasan mo ito?
Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa akin. Sino ba ang nagsabi saakin na pasukin ko ang ganitong buhay? Wala naman di ba? Wala nga ba? Sino ba ang nag-utos sa akin na magpagago? Wala din naman, di ba? Wala nga ba?
Sabi nila ganun daw basta tadhana na ang nag-utos, hindi mo daw talaga kayang iwasan, at hindi mo kayang takasan. Maiwasan mo man daw ang utos ng iyong mga magulang pero hindi ang utos ng tadhana. Eh di ba ang tadhana ay katulad din yan ng kapalaran? Hindi lang yan basta-basta nahuhulog sa kandungan ninuman, kundi hinahanap yan, pinagtyatyagaan, pinaghihirapan pinupuhunanan ng luha at pawis at higit sa lahat, pinagsisikapan yan.
Kahit nga taguan pa yan, habulan man o patintero man, at kung nakapalaran kang manalo ay mananalo ka. Pero kung ang kapalaran mo ay matalo ka, kakainin mo ang lahat ng alikabok sa lupa at magdurusa ka ng habang-buhay. Kaya ako? Hindi ako naniniwala diyan sa tabhana-tadhana na yan.
Hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Mas naniniwala ako sa pagsusumikap, hindi ko naman kasi mararating ang kinaroroonan ko ngayon kung hindi ako nagsikap sa pag-aaral. Kung hindi ako nagtiyaga na magpuyat gabi-gabi para makuha ng matataas na marka sa klase. Wala ako dito ngayon kung hindi libo ang kaulayaw ko sa buong magdamang. Hindi ako aabot sa ngayon kung hindi ko pinagsikapan at pinaghirapan na maiahon sa kahirapan ang mga magulang ko at ang sarili ko, kaya ngayon eto, hawak ko na ang kapalaran ko. Nasaan doon ang tadhana? Eh di wala. Kaya walang tadhana, dahil ang tadhana ay para lamg sa mga walang pangarap sa buhay. Walang uunlad kung walang magsisikap.
"Prof, pinasasabi pala ni Dean Catigbac, next week na daw po yung symposium sa New York at ikaw ang gusto nilang umattend." Sabi ng sekretarya ng aming university dean.
BINABASA MO ANG
Destiny's Game
Romance"The human heart feels things the eyes cannot see... and knows what the mind can't understand." ~loveofpaige Samuel Grant Aranas does not believe in destiny. He just believes in diligence and perseverance. For him, diligence and persevera...