DG 4

969 53 49
                                    

"the truth may sometimes
hurt for a moment,
but the pain you experience
from a lie can last forever."

~ My Dear Valentines❤️







LUMIPAS ang ilang buwan na ganun lang kami. Normal ang pakikitungo sa isa't isa. Normal mag-usap. More like, professional na mag-usap sa harap ng mga tao at mga staffs.

Sa university, magkatrabaho lang kami. Halos hindi kami nag-uusap pero syempre nandun ang minsanang sulyapan at lihim na tinginan, na palaging nahuhuli ni Henry, ngunit hahggang doon lang.

Hindi kami nag-uusap kung hindi oras ng klase, deliberation at assessment at the end of the day and at the end of the week. Napagkasunduan namin na para hindi kami matambakan ng trabaho, every afternoon kaming gagawa ng report at ini-email namin kaagad kay Dean na ikinatuwa naman ng administration.

Ikinuha ko siya ng mapagkakatiwalaang assistant sa tulong na rin ni Henry, my ever so loyal na assistant na parang nakababatang kapatid ko na rin kung ituring ito. Inirekomenda niya ang kanyang nakababatang kapatid na work scholar din ng campus namin, si Cassidy Blue Java.

Ipinakiusap namin sa board na kung pwede siyang mabigyan ng assistant dahil na uri ng trabaho namin na hindi pwede ang wala. Natuwa kami kasi si Cassidy ang ipinadala dahil na rin sa tulong ni Dean Catigbac.

Dati siyang registrar assistant na naka-assign sa pag-i-issue ng class cards sa mga estudyante. Pansamantala siyang ipinahiram sa amin ni Mrs. Aguilar, ang aming Dean of Registrar, para matulungan si Sarah, total tapos na ang enrollmentbregistration ng klase.

Sa bawat araw na magkatrabaho kami ni Sarah ay walang masasabi ang ibang mga professor at staff ng university kahit na mga estudyante ko dahil kasama namin palagi ang aming mga assistant at yun nga, magkatrabaho lang ang aming kilos sa harap ng lahat.

Wala kaming ipinapakitang kakaiba sa mga gawi namin dahil wala naman kaming dapat na ipakita sa kanila. Normal. Natural. Propesyunal. Yun ang meron kami. We simply tried to be civil as much as possible.

Yung umuusbong kong damdamin para sa kanya ay isinasantabi ko muna. Hindi ito ang tamang lugar at ang tamang panahon na hindi ko nakikita. Hindi ko alam kung meron pa ba ako nun.

Minsang bumibisita ang sinasabing asawa ni Sarah na si Roger, kilala ko siya, pero ni minsan ay hindi ko ito pinakitaan ng kakaiba.

High school batch ko si Rogerna mas kilala kong Rogelio Carlitos Santillan. Minsan din akong binati nito na parang close kami noon, tiningnan ko lang siya at simpleng yumukod sa kanya at itinuloy ko ang aking ginagawa. Kung wala akong panahon sa kanya noon, mas lalong wala akong panahon sa kanya ngayon.

Sa tuwing dadalaw ito kay Sarah ay nakikita ko na parang hindi sila mag-asawa kung magturingan. May kakaiba sa kanilang pakikitungo sa isa't isa. Napapansin ko na parang malayo ang loob ni Sarah sa kanya pero hindi naman bastos.

Minsan napapansin ko rin na parang may gusto siyang sabihin sa akin. Panay ang sulyap niya sa pwesto ko habang ako'y nagtatrabaho. pero hinayaan ko na lang siya, hindi ko na lang pinansin.

Ang importante sa akin ay nakikita ko si Sarah palagi at nakakasama ko siya. Hindi man siya lumilingon o tumitingin sa kinauupuan ko kahit minsan lang habang kaharap ang asawa niya ay okay na rin sa akin yun basta nandiyan lang siya.

Ewan ko nga ba. Ang weird ko na pero okay lang sa akin na maging number two ako, kabit, kalaguyo kahit ano pa dahil para sa akin ay number one naman siya.

Katulad nga minsan na kasama ko si Sarah sa opisina ko at nandito ang asawa niyang si Roger, bigla ay naiisip ko si Gale. Palaging nakatanghod si Roger sa amin noon, ngayon naman, ako na ang nakatanghod sa kanila ni Sarah. Si Gale lang nagpapaikot ng mundo ko, siya lang ang natatanging babaeng minahal ko at mamahalin habang buhay ako pero parang nag-iiba na ngayon. Nalilito ang isip ko pero ang puso ko ay determinado. Paano na? Kaya ko ba talagang talikuran ang alaala ni Gale?

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon