DG 8

1K 53 262
                                    


---------------

"If you are patient
in one moment of anger,
you will escape a hundred
days of sorrow."

- Chinese Proverb

---------------



MAG-IISANG buwan na rin pala simula ng makaalala si Gale at isang buwan na rin ang nakaraan nung bumalik kami ng Manila. Nagpaiwan sila ng anak namin na si Raion sa Iloilo. Kumuha siya ng emergency indefinite leave sa University na pinapasukan niya, location - undisclosed. Ipinadaan namin yun kay Auntie Rhoda ang pagkuha niya ng leave. Maliban sa amin nila Auntie Rhoda, pamilya ni Henry, at ako ay wala nang may nakakaalam pang iba kung nasaan siya, kahit na ang mga magulang ko.

Bumalik ako, kami nila Blue at Henry ng Manila na parang walang nangyari. Naiwan si Gale at Raion sa bahay ng mga magulang nila Henry. Mas mabuti na yung ganun. Walang may manggugulo sa kanya habang nandito ako sa trabaho. Naisubmit namin ang report ng "field trip" na magkahiwalay. Maliban doon ay wala.

Umuwi na rin ng Iloilo ang mga magulang ni Gale, sila na ang bahalang dumiskubre sa kinaroroonan niya, yun ang usapan. Mas mabuti yung ganun, walang kumonikasyon.

Nakaipon na si Gale ng sapat na pera kaya naibalik na sa kanila ang lupa at ang bahay na naisanla noon pa. Ito yung kinuwento nila noon sa amin na dahilan kung bakit sila napadpad sa probinsiya namin, sa Santa Catalina. Ang nakakatuwa pa ay yung nalaman naming malayong magkamag-anak nila sila Henry, kaya siguro naging malapit ang mga loob nila sa isa't isa.

Panalangin ko lang na sana ay matahimik na rin ang lahat pero malayo pang mangyari yun. Knowing how Kate was and what she's capable of doing base on the stuff and stunts she had pulled and done in the past, maaaring gawin niya uli yun kaya pinalikas na rin ng mga kamag-anak namin ang mga nanay at tatay ko at kinuhanan ng matutuluyan nila Tiyo Tonyo dito sa Manila malapit sa bahay nila Auntie Rhoda ngunit medyo malayo sa akin. Pinasamahan ko na rin sila Tatay ng tao mula sa security agency na pag-aari ng kapatid ni Tito Clint.

Naging panatag na ako sa mga nangyayari ngayon kahit papaano. Nagbalik na daw nang lubusan ang alaala ni Gale sabi ni Mamang Fely sa tulong na rin Doc Ilagan. Naikwento na niya sa akin kung ano talaga ang pinagmulan ng lahat. Kung ano ang ikinagalit ni Kate... ako at ang ibinubuntis ni Gale at ang hindi pagbibigay pansin sa kanya ni Carlitos, yun ang pinagmulan ng lahat.

Naisalaysay din niya kung paanong nagsimula ang apoy, kung paanong nahampas siya ni Kate ng panggatong na kahoy na singlaki ng dos por dos sa ulo sa pagwawala nito dahil sa galit, inggit at selos. Napakasama niya talaga. Sobrang sama.

May konti na akong naipong ebidensiya laban kay Kate. Ganun din si Gale laban naman kay Kate at Carlitos. Kung gaano karami at katibay ng ebidensiya nila ay hindi ko alam. Hinihintay na lang namin maayos yun ng mga abogado namin para hiwalay maisampa sa na husgado.

Sinusubukan ko ring kunin ang costudy ni Ella. Kahit hindi ko siya anak, kukunin ko pa rin siya dahil alam kong wala siyang mahihita sa ina niya sa ngayon. Alam ko rin na hindi siya pakakasalan ni Carlitos dahil pareho silang hibang.

Simula ng bumalik ako sa Manila at sa trabaho ay parang nakikiramdam lang si Kate palagi. Hindi ko siya kinakausap. Nagtataka din ako at nagpapasalamat dahil walang naikukwento si Ella tungkol kay Raion at Gale. Kapag tinatanong siya ng mommy niya, iisa lang ang sinasagot niya. "It was a boring vacation because dad was still working."

Hindi siya gaanong kinakausap ni Ella lalo na kapag wala ako sa bahay. Galit ang bata sa kanya. Masama ang loob nito sa ina. Maaaring may kinalaman pa rin ito doon sa pagsigaw-sigaw niya sa bata nung dinalaw siya ni Carlitos sa bahay.

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon