DG 9

814 54 46
                                    

-----------------

You never know how strong you are until being strong is your only choice.

~ Bob Marley


------------------

"WALANGHIYA ka, Sam! Napakawalanghiya mo! Pagbabayaran n'yo ng babae mo ang lahat!" Nagulat kaming napalingon dahil sa lakas ng sigaw ng bagong sulpot sa pinto na si Kate. Napatayo ako. Ganun din si Atty. Mendez.

"Ms. Peralta, ano ang ibig sabihin ng kabastusan na ito? Care to explain?" Mahina ngunit may bagsik at may bagsak na tanong ni Auntie Rhoda. Na hindi pinansin ni Kate.

"Tigilan mo nga ako, Maybel. Ano na naman ba ang tinira mo at napapraning ka naman?" Inis kong tanong sa kanya. Napipikon na ako. Kumukulo na ang dugo ko sa kanya baka hindi ko siya matantiya ngayon at mawalan ako ng respeto sa babae.

"Titigilan?! At bakit kita titigilan?! Baka nakakalimutan mong kasal ka sa akin kaya may karapatan ako sa iyo!" Matinis pa man din ang boses niya. Napapailing na lang ako sa mga pagke-claim niya ng karapatan niya sa akin.

"Maybelline. Baka nakakalimutan mo rin na ang karapatang yan ay limited lamang? Baka nakakalimutan mong ikinasal lang ako sa iyo dahil gusto mong may umako ng anak n'yo ni Carlitos? Sa papel lang tayo may relasyon. Sa totoong buhay, wala." Napatda siya at nakita ko ang pamumutla niya. Sinasabi ko na nga ba eh. Akala niya siguro talagang hindi ko sasabihin iyon sa harapan ng ibang tao.

Hindi ko gustong gawin yun pero nakakapagod nang masyado. Nakakauta na kaya tama na. Dapat nang itigil ni Maybel ang ilusyon niyang pag-aari niya ako dahil kahit kelan man ay hindi niya ako naging pag-aari. Si Gale lang pwedeng magmay-ari sa akin. Siya lang at wala nang iba. Hindi ko na siya hahayaang patakbuhin pa ang mga buhay namin. Tama na and it ends right here, right now.

"How dare you say that to me in front of these people! Makakarating ito kay Daddy! Tandaan mo yan!" Pigil niyang singhal. Natawa na lang ako sa kanya. Ngayon pa siya nagpigil? Napapiling ako.

"Go ahead, tell your dad. Wala nang magagawa si Don Julio para sa iyo Maybel. Alam kong alam mo kung bakit. Tigilan na natin ito. At yang mga pinagbibintang mo sa akin, wala na akong pakialam." Matapang kong sabi sa kanya, hindi dahil nandito ang tiyahin, abogado ko at abogado ni Gale, kundi dahil tama na. Wala nang kapangyarihan ang mga magulang niya. They have no power over me, but I do. Yun ang hindi niya alam. Hindi na sila katulad ng dati.

"Wag mo akong takutin, Grant! Hawak ko pa rin ang alas dito." May himig pagbabanta. Tinawag na naman niya akong Grant. Okay sige pagbibigyan kita ngayon na tawagin akong Grant pero sisiguraduhin kong huli mo na yan. Sisiguraduhin kong makikita ng tatlong taong ito kung sino at ano si Maybel. At kung bakit siya pinagbibigyan ng mga magulang niya at kung bakit din wala na ang kayamanan ng mga Peralta.

"Anong alas, Maybel? Sa pagkakaalam ko, wala ka nang pinanghahawakan na mahalaga o importante sa akin. Alin? Ang mga magulang ko? Si Gale? Di ba ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon na patay na siya? Na hayaan ko na dahil hindi na siya magbabalik?" Sagot ko sabay upo. Nakatitig lang si Auntie Rhoda sa kanya. Hindi pa rin niya siguro alam na kapatid ni Nanay si Auntie. At... maaring hindi niya alam na mga abogado ang kasama ko. Hindi ba niya natatandaan si Atty. Mendez? Naaawa din ako sa kanya minsan. Matalinong tao si Kate kahit noong nag-aaral pa kami pero dahil puro sarili lang ang iniisip niya ay nagmumukha siyang kulang sa pinag-aralan. Nagmumukha siyang tanga. Makitid ang pang-unawa niya at mababa ang tolerance niya lalo na at hindi tungkol sa kanya.

"Baka nakakalimutan mong may anak tayo." Natawa ako sa sinabi niya. Anak? Kami? May anak kami? "Bakit ka tumatawa?" Halata sa boses ang iritasyon.

"Natatawa kasi ako dahil sa sinabi mo. Maybelline, nahihibang ka na ba? O baka nasisiraan ka ng bait? Si Ella ba? Maaaring mahal ko si Ella pero hanggang doon lang yun? Anak mo siya. Sa iyo lang siya. So, anong alas ang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Naningkit ang mga mata niya. "Alam mo, hindi na maganda yan kasi parang pinaniniwalaan mo na ang kasinungalingang sinabi mo noon para lang makasal tayo. Kung hindi lang kita kilalang masyado baka isipin kong nababaliw ka na. If I were you umuwi ka na dahil walang basis yang mga paratang mo. Don't you see I am on a meeting. Come on. Have a little decency." Dugtong kong sabi. Alam kong nakaramdam na siya ng hiya pero katulad ng sabi ko kanina, si Maybeline ito. Hindi sa naapektuhan noon at wala siyang pakialam basta magawa at masabi niya lang ang gusto niya.

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon