Year 457
Owen's forestSiya'y nakasalumbabang nakatulala habang nakaupo sa isang malaking bato. Tila pinagmamasdan niya ang bawat patak ng ulang bumabagsak. Ang palakpak ng kidlat ay hindi niya na kinatatakutan, 'di tulad ng dati. Nasanay na siya sa kaniyang kalagayan ngunit walang kaginhawaang natamasa simula nang napunta siya rito. Ang kagubatang minsan na siya'y naligaw ay kaniyang muling tatahakin.
Malumanay niyang sinabi "Hindi ko na alam."
Lumabas na siya sa kwebang kaniyang nakita kanina lamang. Kahit mabasa siya'y kailangan niya ng kahit anong makakain. Naglakad siya nang nakapaa, dagdag pa ang bigat ng putik sa paa kaya't painut-inot ang usad at hinihingal. Ngayon lang siya nagnais ng isang kama sa isang hukay. Hindi na siya nakapagiisip ng maayos sa gutom.
"Ang buhay ko'y nakasalalay sa kung saan man ako dalhin ng aking paa."
Hanggang may nakita siyang isang napakalinis na ilog at inilublob ang kaniyang kamay upang subukang manghuli ng isda. Agad namang may bumangga sa kaniyang kamay at agad niya itong hinuli't hindi na pinakawalan. Isang salmon ang kaniyang nahuli. Hindi siya nagdalawang isip na kainin ito sa sobra gutom. Kahit hindi luto, basta't mabigyang laman lang ang tiyan. Nang mabusog ay tumingala sa langit at binuksan ang bibig nang makainom ng tubig.
Malumanay niya muling sinabi "Hindi ko na alam."
Sinubukan niyang alalahanin kung nasaan ang kwebang tinir'han niya ngunit muli siyang naligaw sa kagubatan. Masyado siyang nadala ng gutom. Kumidlat ng ubod-lakas at humilatay sa lupa—nagbabakasakali, nagmamakaawa...
Pumikit siya.
"O kidlat, tamaan mo na ako."Tumulo ang luha niya kasabay ng ulan. Hindi na siya umiyak dahil sa takot ng kidlat, umiyak siya dahil sa kagustuhang wakasan na ang lahat. Handa na siyang harapin ang kidlat. Nais niya nang malintikan nito.
"Hindi ako masamang tao..."
"Deidrie...hindi, kahit kailan."
Patuloy pa rin ang pagkulog at pagkidlat. Ang buhos ng ulan ay lalong lumakas. Nanatiling nakahiga si Senán sa gubat ng walang hanggang bangungot.
----
Senán's POV
Hindi pa rin ako gumagalaw.
Parang nakatulog ako ng ilang taon. Malabo-labo pa ang aking paningin, hindi ko alam kung nasaan ako. Sinusubukan kong kusutin ang aking mata ngunit wala pa rin.
Ano itong pakiramdam na ito? Apoy? Init? Nasa impyerno ba ako? Pati ba naman ang paghatol ng langit ay hindi pa rin makatarungan.
Nakahiga na pala ako sa hita ng isang tao.
"Ikaw na ba si Satanas?" Tanong ko sa kaniya.
"Satanas? Anghel kamo! Hahaha! Kung wala ako, nakain ka ng oso o di kaya ahas na gumagala dito sa kagubatan. Gumising ka na nga. Dalawang araw ka nang tulog."
-----
Author's note
Hey! Ano masasabi niyo kay Senán?
Mageenglish ako, wala lang dito sa prologue kasi wala lang. Haha. Siguro kasi di ako magaling talaga sa English. Pero I'll try my best bui.
Thank you sa pagbasa!
Next Chapter: Forest of Eternal Nightmare
BINABASA MO ANG
Lenford Academy: good old days
Mystery / ThrillerThe story is about how Timara, a time traveler, release a curse from a cursed forest-Owen's forest. It's also known as the "forest of eternal nightmare", where who ever sets foot in its land will be forever prisoned inside. With the help of Senán, T...