The Three Swans

82 17 4
                                    

Nagsimula nang nagsisulputan ang mga katanungan sa kanilang isip. Hindi sila makatulog ng mahimbing dahil kinabukasan ay pasukan na. Hinahanda na nila ang kanilang sarili sapagkat alam nilang papasok sila sa isang panibagong mundo. Magsisimula na kinabukasan ang kanilang operasyong matanggal ang sumpa. 7:00 AM dapat ay nasa paaralan na sila.

---

1:30 AM

Sadyang hindi makapakali si Senán at hawak-hawak niya ng mahigpit ang busol ng pintuan ng kwarto ni Timara habang dahan-dahan itong binuksan upang sumilip. May dala-dala rin siyang isang lampara upang makakita.

"Timara, alam kong parehas tayong nababagabag at hindi makatulog" ang mahina niyang sabi at nadatnan niyang nakatalukbong si Timara ng kumot.

"Timara, kailangan ko lang ng magpapakalma sa akin. Ang lungkot ko ngayong madaling araw."

Hindi tumutugon si Timara sapagkat ang katotohanan ay kani-kanina lang siya nakaidlip.

Binuksan niya ang pinto at pumasok ng walang pagdadalawang isip. Ang akala niya talaga ay gising pa siya kaya't naisipan niyang pumasok nalang. Inilapag niya ang lampara sa maliit na mesa na katabi ng kama.

"Timara"

Inalis niya ang kumot ni Timara't nagulat siya at agad na namula sapagkat iyon ang unang pagkakataong makakakita siya ng isang babaeng natutulog. Gulo-gulo ang kaniyang malasutlang buhok. Kay haba ng kaniyang pilik-mata. Mapula't nangaakit ang kaniyang labi.

Natulala siya't namangha sa kagandahang taglay ni Timara at hindi niya napansin na naka-camisole lamang si Timara. Siya'y hindi napigilang sumigaw sa gulat.

Dahil sa napakalakas na sigaw na iyon ay nagising si Timara. Iniisip na ni Senán na katapusan na niya na. Bumangon si Timara't kinusot ang kaniyang mga mata. Hanggang nakita niya si Senán at nagulat.

"Ba-b-b-bakit ka nandito?! Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?! Ha?!" napalayo siya't natakot kay Senán. Namumula na rin siya.

"Kaya kong magpaliwanag! Hayaan mo akong magpaliwanag!"

Nagsimula nang magsiliparan ang kahit anong bagay na mahahawakan ni Timara.

"Manyak! Manyak! Manyak!"

Pinagbabato niya si Senán hanggang umalis na siya ng kwarto. Nabuwisit siya ng tuluyan dahil isang oras palang siya nakatutulog ay ginising na siya. Hindi naman kasi ganoon ang kaba ni Timara kaya't nagawa niyang matulog.

---

6:00

Timara's POV

Walang hiya iyong Senán na iyon! Akala ko pa naman ay hindi siya tulad ng mga lalaking walang respeto sa babae. Akala ko pa naman isa siyang gentleman. It turned out that he's just a jerk. Hay ang init ng ulo ko, 5 oras lang ang aking puwedeng maitulog. Kalma, Timara! Kumalma ka, may misyon ka pa dito.

Lumabas na ako at kumain ng almusal na scrambled egg with toast and fried tomato na inihanda ni nanay Aibell. Si Senán ay hindi pa lumalabas sa kaniyang kwarto. Hikab ako ng hikab dahil hindi ako sanay na makulangan ng tulog. Lagi ko kasi inaalala ang kutis ko, pano nalang ang aking beauty, di ba?! Buti nalang ay may kamatis na inihanda si nanay Aibell.

Lenford Academy: good old daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon