A Visit

67 18 0
                                    


2 days before the first day of classes

Timara's POV

Tinitignan ko ang sarili sa salamin habang nagtitirintas ng aking buhok. Ang ganda ko lang naman. Ganoon pa rin. Namimiss ko na yung ate ko. Siya kasi nagtitirintas ng aking buhok tuwing umaga. Pagkatapos ay isinoot ko na yung binili sa aking damit ni Nanay Aibell. Isang dress na tawag ay léine, simple lang ito at gawa sa lana. Sky blue ang kulay at ang gaan sa mata. May puting floral design na lace collar pa. Sa ganitong panahon, hindi ko akalaing ganito kaganda ang kanilang damit.

Feel na feel ko na 'tong kasootan ko ngayon. Kung puwede lang ako makapagpost ng OOTD sa social media, e! Wala lang internet.

Siguro fashionista 'tong si nanay Aibell. Alam niya ang magugustohan ko.

Lumabas na ako ng kwarto at umupo sa sofa kasama si Senán.

----

Senán's POV

Pinatira kami ni nanay Aibell sa kaniyang bahay. Hindi namin siya kilala pero tinulungan niya kami ng sobra. Pagkagising ko nalang noong umagang 'yon, napuno ng pag-asa ang aking kaluluwa at kay nanay Aibell ko maibibigay ang aking pasasalamat.

Dalawang araw nalang ay pasukan na. Limang araw na kami dito. Halos komportable na akong kumilos dito. Bumili si nanay Aibell ng dalawa pang higaan upang makatulog kami ni Timara ng maayos.

"Psst." Mahinang sagitsit sa akin ni Timara. Nakaupo lamang kami sa sala.

"Ano 'yon?"

"Puntahan na natin ang paaralan mo. Gustong gusto ko na talaga bumalik kaagad!" Hindi na siya makapakali, bale may pamilya rin naman siya sa kaniyang buhay tulad ko. Sigurado akong nahihirapan na rin siya.

"Wala pang pasok. Hindi ko alam kung papapasukin tayo doon."

"Iiihh! Ano ba yan. Malay mo may makuha tayong impormasyon tungkol sa Owen's Forest."

Owen's forest? Hindi ko alam na iyon pala ang pangalan sa kagubatan na iyon. Natakot ako nang saglit, binanggit niya lang ang kagubatan. Sa totoo lang, natatakot lang talaga akong pumasok muli sa paaralang iyon.

"Atsaka wala na akong matandaan, kahit ang lokasyon, kaya't di ko alam kung saan ang daan papunta."

Biglang nagsalita si nanay Aibell na kanina'y nananahimik sa kaniyang tumba-tumba. "Huwag ka nang magrason Senán. Tara't dadalhin ko kayo roon. Malapit lang naman."

Lumabas siya ng bahay at hinalina kami ng may ngiti. Sumama naman kami't naglakad.

"Maglalakad tayo?" Tanong ni Timara.

"Malapit lang nga iyon, anak." Sabi ni nanay Aibell.

Kahit ako'y parang pagod nang maglakad. Halos lumaki na ang aking kalamnan sa binti, kakalakad sa kagubatan na iyon.

Naalala ko tuloy noon na may sariling kalesa si tatay. Kahit kailan ay hindi ko natutunang magpatakbo ng kalesa, hindi niya ako hinahayaan. Binilhan niya ako ng kabayo ngunit di niya ako pinasasakay.

Hindi nalang ako nagsalita't naglakad.

Habang nararamdaman kong papalit at papalapit na kami sa paaralan ay parang maya't mayang may tumutusok na tinik sa akong puso. Wala akong naaalala tungkol sa paaralan ko ngunit takot agad ang sumalubong sa akin. Bakit ako lumuluha nang ganito? Agad ko nalang pinunasan habang hindi silang dalawa nakatingin.

Lenford Academy: good old daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon