Banshee

111 11 8
                                    

Senán's POV

Naiwan kaming dalawa ni Timara sa kuwarto kasama si Dr. Mananda. Nag-iba ang ihip ng hangin.

"Isa ba kayo sa amin?" Bulong ni Dr. Mananda sa amin habang hawak-hawak ang aming braso.

Napatingin kami ni Timara sa isa't isa dahil hindi namin alam kung ano ang sinasabi niyang 'amin'. Ano ba sila? Tsaka sinong sila?!

"Hindi po namin alam kung ano ang iyong sinasabi" ang aking seryosong tugon. E, hindi naman talaga namin alam.

Hindi kaya may kinalaman ito sa kagubatan?

"Senán, walang kahit sinong normal na estudyante ang may alam sa pangalan na Owen." Ang kaniyang sinabi. Naitanong ko pala iyon kanina't walang pumansin sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit nilakihan lang ako ng mata ni Dr. Mananda.

Agad naman akong hinila ni Timara palayo
"Huwag kang titingin sa aking mata, Senán" tinapal niya ang kaniyang kamay sa aking mga mata at sumigaw
"Janus, dearmad!"

"Bakit ayaw gumana ng kapangyarihan ko?" Laking pagtataka ni Timara sa kaniyang sarili. Isa ba iyon sa mga mahikang kaniyang ginagawa?

Bigla namang sumakit ang kaniyang ulo tulad noong nasa kagubatan pa kami. Nagsasalita siya na parang may kausap siya sa kaniyang utak pero hindi naman ito nagtagal. At nang nawala ang sakit ng kaniyang ulo'y nagpaliwanag siya.

"Hindi ko na magagamit ang nagamit ko nang kapangyarihan"

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang kaniyang sinasabi pero ang alam ko lang ay nagamit niya na ang isa niyang kapangyarihan noong pinagtabuyan ako ng aking pamilya. Naikwento niya iyon sa akin. Pinalimot niya ang aming muling pagkikita kasi malaking problema kung maituturing kaming magnanakaw at baka makulong kami't hindi malutasan ang problema.

"Saan kayo nanggaling? Ano ang pakay niyo?" gulilat niya. Sinusubukan niyang tapangan ang kaniyang mukha ngunit halatang natakot siya sa ginawa ni Timara. Kahit wala naman talagang nangyari.

"Nandito kami para tanggalin ang sumpa!" Sigaw ko sa kaniyang harapan. Hindi ko alam kung bakit ko naisigaw yun, siguro gawa ng galit ko sa kagubatang iyon.

"Stupid! Isinigaw mo pa talaga!" Tinakpan ni Timara ang aking bibig, hirap niya itong ginawa dahil nakatiyad siya at pilit na inaabot ang aking bibig.

Lumapit si Dr. Mananda sa amin at muling bumulong na alalang-alala "Kung gusto niyong mabuhay, simula ngayo'y huwag kayo magtitiwala kahit kanino"

"Kami ang mga Tuatha, hanapin ninyo kami minsan at kami'y inyong makikita"

"sa unang litaw ng buwan sa kalangitan, sa unang kupas ng araw"

Kinilabutan ako sa kaniyang sinabi. Tuatha? Ano iyon, isang kulto? Nagsasalita siya na parang may nalalaman siya tungkol sa kagubatan.

Pagkatapos no'n ay umalis na siya. Iniwan kaming puno ng tanong sa dulo ng aming mga dila. Nabalam kami sa aming pag-uwi dahil sa kaiisip. Tumungo kami sa Glendalough upang sunduin si nanay Aibell. Pumunta kami sa pinto ng biblioteka at sinubukan itong buksan. Ito'y nakakandado't di namin mabuksan. Kumatok nalang kami't may narinig kaming mga yabag papalapit sa pintuan.

Bumukas ito't hindi namin inaasahan ang taong nakita namin.

"Oh, bakit ka pa nandito?" Isang babaeng kay ganda ng hubog ng katawan. Mababaghan ka nalang sa kaniyang pagkagat ng kaniyang mapulang labi. Itinabi niya ang kaniyang dalang baraha sa kaniyang bulsa't tinanggal ang kaniyang guantes.

Lenford Academy: good old daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon