Swim In Silence

77 18 1
                                    

Timara's POV

2:00 AM

Ang hirap matulog ng nakaupo lang sa sahig. Hindi ko talaga makayanang hindi isiping may katabing lalaki sa aking pagtulog. Masyadong... mahirap. Hindi komportable sa pakiramdam. May respeto ako sa pagkababae ko. Haha. Kaya pikit-pikit lang muna.

Napuyat tuloy ako, pano na beauty resting ko? Paano kung magkaroon ako ng eye-bags?! Can't let that happen!

Sumilip sa kwarto ang matandang babae at nang makita niya ako ay nagpakita siya. "Anak, bakit ka naman nand'yan? Nag away ba kayo?" Tanong niya sa akin.

"Uhm, hindi ako komportable na katabi siya, e." Napatagilid ang kaniyang ulo't nagtaka.

"Hindi ba kayo mag-asawa?" Nagulat ako sa tanong niya. MAG-ASAWA?!

"B-b-bata pa ako! 16 years old! Hindi kami kasal! I mean..."

"Ahh, magkasintahan."

"Hindi! Kakikilala ko lang sa kaniya! Kanina ko nga lang nalaman pangalan niya. Tsaka matanda na yun! Tsaka bata pa talaga ako! Tsaka—" Rat-rat ng aking bibig habang nagpapanic. Nagising ako sa mga tanong niya. Hanggang napansin kong namumugto pala ang mga mata ng matanda at nagsimula na akong mag-alala.

"Umiyak ka ba?" tanong ko sa kaniya

"Magkasing edad lang naman kayo. Pasensya na't isa lang ang aking higaan." Ngumiti siya sa akin at umalis.

Sa pagkaalis niya ay biglang sa wakas ay dinalaw na ako ng antok. Nakatulog akong nakaupo sa gilid.

At nanaginip ako, si Senán ay may hawak na kutsilyo. Itinutok niya ito sa kaniyang dibdib at tumingin sa akin. Umuusok sa sobrang init ang kaniyang luha. Nasunog na ang kaniyang mukha. Habang nangyayari ang nakakikilabot na eksena ay may mapanaghoy na kanta na paulit-ulit ang liriko. Kay dilim ng himig.

Huwag mong naising lisanin ako
Aking yayakapin ang kamatayang inako
Dakong ligaw sa buhay ika'y lumihis
Kung ika'y susuko, ako'y tatangis
🎶🎶🎶

---

9:30 AM

That was the creepiest dream I've ever had. Where did that came from?! Dala lang siguro ito ng pagod at puyat. Lagi namang pagkain ang nasa panaginip ko. Buti nalang ay nakalimutan ko na ang ibang nangyari. Naalala ko nalang ay yung paulit-ulit na kanta. Nakapapantaas-balahibo. Ito na ang pinakamasamang LSS na naranasan ko sa buong buhay ko.

Nagising akong masakit pa rin ang katawan, hindi kasi ako naka posisyon ng maayos sa aking pagtulog.

Tumayo na ako sa pagkaupo ko sa gilid at nalamang wala na si Senán sa kama. Nagalala ako dahil si Senán ang makakatulong talaga sa aking misyon.

"Senán?!"

Lumabas agad ako ng kwarto't hinanap siya. Nakita ko siyang kumakain kasama ang matandang babae.

"Oh. Anak, kumain ka na rin at ako'y nagluto ng almusal." Hay! Salamat at okay lang ang lahat.

Nandoon pa rin ang pait ng mukha ni Senán. Buti't buhay pa siya, I mean... malay mo magpakamat—

Lenford Academy: good old daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon