Timara's POV
First, a flying boat, then a huge bell, and now a gigantic cow with these loads of milk? This school is really odd.
So every building pala may isang malaking statue. Naimpress ako tulad ni Senán sa ganda ng pagkalilok nito, lagyan lang ng kulay ay magmumukha na itong totoo. Sa ganitong panahon, ibang level na pala ang kanilang sining. Developed na developed na sila, kitang kita naman sa pagkadetailed ng iskultura ng bawat building. Pero ang weird talaga.
Hinanap naming apat ang section namin. Hanggang umabot na kami sa pinakadulo ng pangalawa't huling palapag. Iyon! Nakita na namin!
Shamrock - 3
"Ang sabi ni nanay Aibell 'S - 3' at hindi 'Shamrock - 3'" laking pagtataka ng mukha ni Senán. Minsan ang hina rin ng talaga ng utak nitong lalaking 'to, e.
"Senán, ang alam namin ay may apat na letra ang bawat pangkat" pagbigay impormasyon ni Lorin na para bang may alam siya tungkol sa paaralan, sigurado naman akong transferee sila dito tulad namin dahil nga naligaw rin sila.
"Mga 1st year highschool ay may section na 'C' - Chalice, para sa mga 2nd year ay 'B' - Bell, para sa mga 3rd year naman ay 'A' - Acorn, at para sating mga 4th year ay 'S' - Shamrock" mabilis na pagsasalita ni Lorin. Wow, paano niya naman nalaman iyon.
"Nabasa ko lang sa dyaryo, di niyo ba alam na ito ang pinakasikat na paaralan sa buong Ireland?! Mapapalad tayong nakapasok dito! Nandito lahat ang mga pinakamahuhusay na estudyante" Ang saya-saya niya. Ang inosente ng mukha niya at ngumiti nalang kami ni Senán kahit alam namin na may madilim na history itong paaralang ito.
Siguro nga ay pinakasikat na eskwelahan ito pero the fact na sobrang mahal ng tuition fee, kaonti pa rin ang nakapapasok. Wala pang scholarship, bayad lang. Ang katumbas pala ng isang daan at limampung shilling pala ay approximately two million sa present life ko. So binayaran ni nanay Aibell ay apat na milyon! Ka-ano-ano nga ba namin siya?
Nanay! O sabihin nating 'My Accidental Millionaire Nanay'
Nananahimik pa rin si Zion at nakatingin lagi sa kunsaan-saan. Why so snobby? Magsalita ka naman!
"Pumasok na tayo" tamad na tamad na sinabi ni Zion. Narinig niya ata ang utak ko. Am I thinking out loud?
Umalis na siya sa pagkatago kay Lorin, isinara ang libro, at ang kaninang inaantok na mata ay ngayo'y umalab na parang apoy. Naglabas siya ng isang bagay na nakabalot ng dahon at ito'y kaniyang nginuya. Iyon ata ang bubblegum ng panahong ito. Pumula ang kaniyang labi dahil sa kaniyang nginunguya.
Bawiin ko na ang sinabi kong 'may itsura' lang siya. Biglang lumakas ang kaniyang appeal. Ang mata niya'y tila nanghahablot ng puso. Mapapahinga ka talaga ng malalim at matutulala sa kaniya.
Kakatok na sana si Senán nang pinatabi siya ni Zion na parang siga. Habang takang-taka kaming dalawa ni Senán, itong si Lorin ay napabuntong-hininga na lamang na parang nangyayari ito parati.
"Ayan na siya" malungkot na sabi ni Lorin
Sinipa niya ang pinto at pumasok na parang walang nangyari. As I expected, pinagtinginan kami. Hinawi niya nang bahagya ang kaniyang buhok para ayusin ito habang patuloy na ngumuya ng dahan-dahan.
Nagtilian ang mga kababaihan sa kaseksihang kanilang nakita at ikinainis naman ng mga kalalakihan dahil sa inggit. Nakasoot na silang lahat ng kanilang mantong kulay-tsokolate. Gulat na gulat naman ang aming guro at hindi alam ang kaniyang irereact kung magagalit ba siya o maiinlove kay Zion.
BINABASA MO ANG
Lenford Academy: good old days
Mystery / ThrillerThe story is about how Timara, a time traveler, release a curse from a cursed forest-Owen's forest. It's also known as the "forest of eternal nightmare", where who ever sets foot in its land will be forever prisoned inside. With the help of Senán, T...