Senán POV
Hindi ko mapigilan ang pagluha ko. Paano ko ba mailalabas ang lahat ng sayang nararamdaman ko ngayon. Parang daang taon ko silang hindi nakita. Parang daang taon akong nalumbay. Parang daang taon akong mag-isa sa buhay. Parang ngayon lang ako lumaya.
Bumitaw sila sa aking yakap at blanko ang kanilang mukha. At sumigaw ang aking nanay "Magnanakaw!" Agad namang kumuha ng isang espada ang aking tatay. Si Máirín naman ay natakot at tumungo sa kaniyang kwarto. "Lumayas ka dito! Paano ka nakapasok dito?! Sino ka't pumasok sa aming pamamahay?! Sa iyong kasootan pa lang ay maituturing na kitang isang hampaslupa, isang alipin, isang natural na makasalanan!" Puno ng galit na pagkasigaw ng aking tatay.
"Ako si Senán ang inyong an—"
Natulala ako sa kanilang dalawa at nabingi sa lahat ng kanilang sinasabi habang nakasabit ang ngiti. Akala ko'y tapos na ang aking hirap. Ako ri'y napipi't hindi masabi ang katotohanan.
Bakit ko ngayon naaalala noong minsan akong nahuli ng uwi galing eskwelahan dahil marami kaming proyektong ginawa, 10:15 PM ng gabi akong nakauwi. Galit na galit sakin ang aking ina, hindi na niya ako hinayaan lumabas ng bahay dahil natatakot siyang baka kunin ako ng masasamang-loob. "Paano kung kunin ka nila't... kainin ang laman loob mo?" Yung mga araw na bigla nalang s'yang nagbibiro pagkatapos niyang magalit. "Nay naman, hindi na ako bata para matakot d'yan."
"At hindi ka rin matanda para hindi matakot dun. Just be home early, please?"
"Ilang beses ko bang sasabihing hindi ko maintindihan ang wikang kanluranin."
Naalala ko rin noong tinuturuan akong humawak ng espada ang aking tatay habang tamad na tamad akong matuto. "E, tay, hindi ko naman kailangan iyan, hindi naman ako magmimilitar." ang laging bukang bibig tuwing tinuturuan niya ako, isa kasi siyang sundalo na may mataas na ranggo. "Hindi ko sinabing magmilitar ka, ang gusto ko lang ay magkaron ka ng abilidad na protektahan mo ang sarili mo sa mga masasamang tao." sumang-ayon ako sa kaniya. At ngayon ako ang masamang taong iyon.
Ngayon ko lang napagtanto ang tamis ng mga pangyayaring iyon.
Bakit niyo ako kinalimutan?
---
Timara's POV
Nagulat ako dahil biglang bumata yung matandang lalaking yon. Malusog ang kaniyang pangangatawan, at kita na ang features ng kaniyang mukha at ang tangkad niya. Ngunit ang kaniyang damit ay nanatiling sira-sira. Sa ganitong panahon, masasabi kong, mayaman sila. Kay laki ng kanilang hardin, may grupo pa ng insektong kumikinang-kinang, ano kaya 'yon? Kay gandang pagmasdan. Ang kanilang tahanan ay malawak, tila kastila sa laki. Ngayon, siya yata ang prinsipe?!
Agad siyang nagmadaling tumakbo papasok, hindi ko na muna sinundan at baka kung ano pa ang isipin ng kaniyang magulang, at busy pa ako dito pagmasdan ang mga insektong mailaw... tatawagin ko silang Astral insect. Ang ganda nila, wala kaming ganitong insekto sa aking present time.
Biglang may sumigaw sa loob na "Magnanakaw!" E, pano ba naman kasi di mananakawan, nakabukas lahat ng pinto at lahat ng pasukan.
Agad naman akong pumasok at nakita kong may hawak na espada ang isang lalaki.
"Ako si Senán ang inyong an—" ang nakaluhod na si Senán. So Senán pala pangalan niya, ngayon ko lang nalaman. Hindi ko naman kasi ugali mananong ng pangalan. Ang dami na kasing pangalan sa utak ko, sa dami ba naman ng tao sa pagtitime travel ko.
But what's this? Akala ko ba pamilya niya ito. Bakit itinuring siyang trespasser? Kung ako, baka puwede pa sabihang magnanakaw.
"Wala kaming kilalang Senán. Umalis ka na't tinatakot mo ang aming anak."
What the heck? Anong nangyayari, magulang ba talaga ni Senán yan? Hindi ako makapaniwala. Siguro'y sabog na yung utak niya. Pagkatapos ko siyang itakas sa gubat na nagpahirap sa kaniya'y ganito? Hay, I feel sorry. Hindi na siya makapagsalita at natulala nalamang.
He's already dead inside
Nang makita kong aatakihin na siya ng kaniyang tatay ay agad ko siyang hinila paalis ng pakaladkad, tulad ng ginawa ko nung una ko siyang makita, I'm trying to help.
"Hehe. Nakainom lang ng kaunti, pasensya na. Babye."
"Janus, dearmad"
Buti nalang ay gumagana pa ang "magic" ko. Lahat ng nangyari sa kanilang dalawa ay nakalimutan na nila. Ano ba naman kasi ang nangyari sa mundo nitong Senán na 'to. Kahit ako naguguluhan na rin. At saan naman kami matutulog?
Gabi na't malamig, wala akong kakayahang gumawa ng bahay! Meron ba ditong hotel o kahit ano? Di ko kayang buhatin tong lalaking to, kawawa naman at kinakaladkad ko. Humingi kaya ako ng tulong? Ano na ang gagawin ko? Hay.
Sa tingin ko ay nandito kami sa isang nayon dahil may mga bahay na magkakalapit-lapit. Sinubukan kong humingi ng tulong sa bawat bahay. Akala nila'y isa akong prinsesa kaya't agad nila akong pinapasok, ganoon ba talaga ako kaganda?! Ngunit nang makita nila si Senán, agad rin silang tumanggi. Yung iba naman ay tulog na.
"Pasensya na't hindi ko maaaring papasukin iyan sa bahay. Pasensya!" sabay sara ng pinto.
Hanggang sa may himalang nangyari, pinapasok kami ng isang matandang babae. Nagmadali siyang ipasok kami sa kanilang bahay. Masasabi kong ito ang pinakasimpleng bahay na nakita ko sa lahat ng bahay na nadaanan namin.
Isang matandang babae ang nagpapasok sa amin. "Pasensya na sa aking tahanan, ano ba'ng nangyari d'yan, anak?" Weird, tinawag niya akong anak. Siguro'y mag-isa lang siya dito.
"Wala ito, nalasing lang. kailangan lang talaga namin ng matutulugan." sabi ko sa kaniya. "O, sige. Gamitin ninyo ang aking higaan at dito nalang muna ako sa aking tumba-tumba matutulog" I nodded but what's tumba-tumba?
Sa sobrang laking tao nitong lalaking to, nakailang minuto ako para lang maihiga siya sa higaan. May chimney naman, kaya't okay yung temperature. So... san nga pala ako matutulog? Huwag mo sabihing sa tabi niya? Nako, hindi ako mapangsamantala! Haha!
Pero c'mon, wala na akong choice. Inaantok na ako.
Bakit ko ba tinitignan ang mukha niya?
Dark brown hair, muddy green eyes. That jawline.
Tatalikod nalang ako sa kaniya.
Hindi, Di ko kaya 'to. Ba't ako namumula?!
---
---
---
Author's note
Hey! Ano masasabi niyo sa pamilya ni Senán? Siguro nagtataka kayo kung bakit wala pa ring Academy. HAHAHA. Tagal no? Dadating din tayo d'yan.
[Ty for reading! Happy mother's day everyone!] 5/14/17
Buiiii!Next Chapter: Swim In Silence
BINABASA MO ANG
Lenford Academy: good old days
Misteri / ThrillerThe story is about how Timara, a time traveler, release a curse from a cursed forest-Owen's forest. It's also known as the "forest of eternal nightmare", where who ever sets foot in its land will be forever prisoned inside. With the help of Senán, T...