Papasok na ko. Sobrang traffic, sobrang init at malelate na ko sa first subject ko na terror pa naman yung prof ko.
Sobrang kunot na yung noo ko. Sobrang naka simangot na ko kasi sobrang sira na araw ko.
Not until pag baba ko. pababa ka din ng jeep sa kabilang side ka nga lang. Binilisan ko na yung pag tawid ko para lang maka sabay ka.
Yung ok lang kahit muntikan na ko mahagip makasabay ka lang. Hahaha ganyan kita ka mahal.
Ayun nga nakasabay kita hindi kita kinakausap kasi ayaw ko! Alam mo ba kung bakit? Nakalimutan ko kasi mag toothbrush hahaha joke lang nahihiya ako eh. Sayo lang ako naka ramdam ng ganto.
Sinasabayan ko lang yung lakad mo. Feeling ko nga napapansin mo na eh kasi napalingon ka sakin. Wala dedma pa din ako.
Baka akalain mong mataray ako kasi hindi kita pinapansin. Hindi ko lang talaga kaya yung kilig ate ganda.
Oo ate ganda. Ate ganda na yung tawag ko sayo kasi hanggang ngayon hindi ko padin alam pangalan mo. At wala akong balak itanong yun sayo. Pagkaharap kasi kita nawawala ako sa sarili ko. Nawawala lahat ng itatanong ko! Nawawala lahat ng sasabihin ko kaya again dedma ako.
Ate ganda? Ang martir ba pakinggan? Ate ganda? Parang ang dating tanggap ko ng bakla ka. Ate ganda? Bakit parang sumisikip yung dibdib ko? Bakit parang ang sakit yung idea na hindi tayo para sa isatisa?
Kung makatawag ako ng ate ganda sayo kala mo talaga wala akong feelings sayo eh nuh! Pero ok lang yan sa ngayon. Hanggang wala pang ganap sating dalawa hahayaan ko munang ang tanga ko.
Yung malapit na daanan pa puntang school bakit parang tila ang layo. Bakit parang akala mo ang daming paliko-liko bago makarating sa school isang daretsyo lang naman siguro kasi kasabay kita.
Kaya feeling ko ang bagal ng ikot ng mundo, feeling ko ang bagal ng takbo ng oras. Ang corny pero ang sweet.
Hindi ko alam kung ano nangyari bakit bigla tayong nagkatabi? Bakit biglang nag dikit yung balikat natin?. Kikiligin na ba ako? Hahaha
Nilingon ko yung dahilan kung bakit tayo nagkadikit. Sila JOY at SAM pala tropa ko din tinulak nila ako palapit sayo.
Odiba ang dami ng nakakaalam na may gusto ako sayo pero ikaw wala padin alam manhid ka kasi hahah joke lang torpe kasi ako eh! Hahaha joke lang ulit. Baka ayaw lang muna tayo pag tagpuin ni tadhana.
Diba nga kasi naniniwala akong lahat may rason? Baka may rason kung bakit hindi ko pa alam kung ano pangalan mo.
Baka may rason kung bakit hindi ko pa alam kung anong room mo. Kung saan ka nakatira at ilang taon ka na. Baka kasi humahanap pa ng magandang timing si tadhana. Timing kung kelan tayo pag lalapitin na dalawa.
Pagkabangga ko sayo nag sorry ako. Ayun na ata yung pinaka mahinhin kong boses hahah nyeta pati ba naman pagsasalita ko naiiba pag dating sayo.
Balahura ako magsalita, siga ako magsalita pati nadin kumilos Pero pag dating sayo nawawala lahat yun.
Pinagkakamalan akong tomboy dahil sa way ko ng pagsasalita at kumilos pero pagkaharap ka? Ang GIRLY ko! At hindi ko alam kung bakit.
Maybe alam ko ayaw ko lang tanggapin.
Kasabay na kita at eto na ata yung timing para malaman ko kung anong room mo pero mali ako.
Pagdating kasi sa tindahan bago mag school natin huminto ka. Lumiko ka para bumili.
Ano na naman bibilin mo yosi na naman? Kainis ka naman mahal eh.
MAHAL?! Wooooowwww!!!! saan galing yun eliza? Mapagpanggap ka na naman jan!
Tinititigan kita pero bigla akong hinila nila sam! "Tama na yan babe! Mali yang inaasahan mo!"
"Oo alam ko sam maling mali to kaya nga titigilan ko na eh!"
Titigilan mo na eliza? Seryoso ka? Kaya mo ba? Pagkontra sakin ng isip at puso ko. Napatanong ako bigla sa sarili ko kaya ko ba talaga? Oo kakayanin mo eliza para hindi ka masaktan.
Wala pa sa sistema mo ang masaktan laro muna tayo. Pagkausap ko sa sarili ko.
-----------
A/n: hobby ko po mangbitin sakitan ng puson ganun hahaha loveyou po.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Head Turner Gay
RomanceBase on my true story pero piliin nyo na lang kung ano yung paniniwalaan nyo at hindi. May kasama na din kasing fiction para mapaganda lang yung flow. Kahit masakit Go na lang. Bakit ba kasi sa sesa ako nainlove hehehe no regret love him so much. Ma...