Ok ang lahat samin ni J. Masaya kahit minsan nag tatalo. Madami kaming bagay na pinagkakasunduan. Pero hindi talaga nawawala yung susubukin kayo ng pagkakataon.
Masaya kami pero dumating kami sa puntong dalawa na kami yung nag desisyon.
Nagdesisyon na itigil na ang lahat ng to kahit pa masaya at ok ang lahat samin.
Hindi na kasi sya mag aaral mas pinili nya na lang mag trabaho. Sabi ko naman ok lang kaya naman namin isurvive kahit madalas na kaming hindi mag kakasama.
Pero hindi. Nakapag desisyon na sya at kahit masakit susuportahan ko na lang desisyon nya.
Naniniwala naman akong makakabuti sakin kung ano man yung napag usapan naming dalawa.
Kailangan namin mag grow up na dalawa pero we were growing apart. But still fine by me kung saan sya sasaya go support lang.
No hard feelings. Maluwag naman naming tinanggap pareho ang lahat.
And now eto ako sa school normal lang naman. Walang halong sakit kasi naging masaya naman ako sa kanya eh.
Balik sa dating ikot ng mundo.
School. Practice ng sayaw para sa p.e bahay. School. Bahay. Ganto na lang umikot ngayon yung mundo ko.Normal lang. Love life? W A L A hindi dahil kay J. Wala tinatamad lang ako lumandi ngayon hahaha.
Tsaka wala pa ako nahahanap na bagong bigtima charot.
Kagroup ko si sam at joy sa sayaw sa p.e kaya hindi ako naboboring.
Finals na namin kaya kelangan ko ng mag tino. Mahirap na baka bumagsak eh! Hahaha.
Nakatambay lang kami pahinga mamaya kasi practice na naman bukas na performance namin eh. Grade sa finals naka salalay sa sayaw sayaw na to.
Nakaupo lang ako may nararamdaman na naman akong kakaiba.
Nauutot ako hahaha joke. Parang may nakatitig sakin na ewan jusme may nagbabanta na ata sa buhay ko ah hahaha.
Nagulat na lang ako ng bigla akong hampasin nung dalawa.
"Eliza yung crush mong bakla oh! Nakatingin sayo" bulong nung dalawa.
Hinanap ko kung ano yung sinasabi nila ah! Si ate ganda pala. Hahaha grabe sila maka bakla nuh?! Nyemas tong mga to. Hindi ko na nga yan crush kulit netong mga to eh.
At dahil hindi ako bitter nginitian ko tas nag hi! Ako. Partida hindi ko pa din alam pangalan nya hahaha jusme.
Matatapos na 1st year college ko hindi ko pa din sya kilala. Pero alam ko na year level nya. A head sya sakin ng isang taon so 2nd year college na sya.
Ngumiti din sya. Harrruuu jusme kay gandang babae ay este binabae ay nyeta wag na nga basta ang ganda nya.
Ang yabang ng ilong nya sa tangos. Ang yabang din ng ngipin nya sa pantay kahit nag yoyosi sya maputi pa din ngipin nya.
Tas yung mata nyang kala mo lagi may gustong sabihin hayyysss ano ba eliza naiinlove ka na naman sa kanya nyan!
Pag ka ngiti nya sakin nag hi din sya. Mali kayo ng pagkakaintindi mag kalayo kaming dalawa para lang kaming tanga na kumakaway tas buka lang ng bibig yung pag hi! Namin sa isatisa hahaha
Umiwas na ko ng tingin maiinlove na naman ako eh.
Pag iwas ko tumingin na ako kela sam. Nakatingin pala sila sakin humaygash kahiya lang asar naman.
"Ano na naman yun! Eliza? Kalandian mo na naman jan!" Nang bubwiset na sabi ni joy.
Nginitian ko lang sila na parang kilig na kilig hahaha nyemas na yan. Balik na naman ako kay ate ganda neto.
"Hoy! Yung mga ngiti mong ganyan naku eliza tigiltigilan mo ah! Masasaktan ka nanaman nyan!" Litanya pa din ni joy.
"Ayan wag mong pangunahan namodin eh! Nagdidilang anghel ka pa naman palagi nyemas ka! Hayaan mo na yan si eliza kaya nya na yan. Diba babe?!" Mahabang sermon ni sam. Yays mahal na mahal ko talaga yan si sam heheheh kinukunsinte ako palagi eh hihihi.
"Oo naman babe hehehe. At bi chill lang this time alam ko na limit ko. Alam ko kung hangang saan lang ako. At lalong alam ko kung hanggang saan lang pwede tong puso ko! Hindi na to mag papakatanga. Strong is me hahaha" Pag aasure ko sa kanilang dalawa.
At dahil na niniwala ako sa lahat may rason.
Baka may rason kung bakit kami pinaglalapit ni tadhana.
Baka may rason kung bakit naghiwalay kami ni J.
At lalong baka eto na yung sagot sa lahat ng tanong ko na kung ano ang rason.
------------------
A/n: hobby ko po mangbitin sakitan ng puson ganun hahahaha loveyou po
![](https://img.wattpad.com/cover/103011216-288-k786802.jpg)
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Head Turner Gay
RomanceBase on my true story pero piliin nyo na lang kung ano yung paniniwalaan nyo at hindi. May kasama na din kasing fiction para mapaganda lang yung flow. Kahit masakit Go na lang. Bakit ba kasi sa sesa ako nainlove hehehe no regret love him so much. Ma...