2.l.

17 1 0
                                    

Pang gabi schedule ko pero umaga palang kabado ako na excited na hindi ko alam yung nararamdaman ko.

Umaga palang excited na kong pumasok. Umaga palang hindi na ako mapakali. Gusto ko ng hilahin yung orasan. Ang tagal mag 4pm para makaalis na ako at makapasok na.

Pagpasok ko goodvibes ang gaan sobra. Ang likot na naman ng mata ko. Nagbabaka sakaling makita ka ulit. Gusto ko na kasi malaman kung ano pangalan mo. Kung ilang taon ka na. Kung saan ka nakatira.

Parang highschool lang yung nararamdaman ko haha.

Nakarating ako sa room namin ng hindi ka nakikita. Napasimangot ako. Inakala tuloy ng mga bago kong classmate masungit ako.

Ewan ko lang pero ang bilis maapektuhan ng mood ko pagdating sayo.

Umupo na ako sa upuan ko sa dulong parte sa tapat ng bintana kung saan kita lahat.

2nd day palang pero hell day na. Ang daming pagawa. Ang daming pasulat.

Busy ang buong room ng may biglang kumatok. Kumatok yung mga student na player ng university.

Nanghihingi ng donation para may budget ata sila. Kasali ka dun. Muse ka ata ng course natin.

Hinampas ako ng katabi ko sabay sabing "Eliza yung crush mong beki oh!" Matutuwa na ako eh. May pag beki pa sya eh! Hahaha

"Shhhh! Wag ka maingay!" Pagtakip ko sa bibig nya. Nyeta nakaramdam ako bigla ng hiya!

Nagpakilala isaisa yung mga player. Pero bakit hindi ka nagpakilala? O hindi ko narinig kasi sobrang hinhin mo magsalita? Natabunan ng sobrang lakas na tibok ng puso ko?

Para akong tanga na nakatitig lang sayo at nakangiti. Pero ikaw? Ni hindi mo ako tinapunan ng tingin. Grabe first heart break ko yun chos hahaha.

Hindi ako nagbigay ng donation sa mga kasama mo. Sayo ako mismo nagbigay agaw eksena oo! Tumayo ako mismo at sayo mismo nag bigay kahit yung mga kasama mo nasa harap ko lang.

Bakit ba gusto ko sayo eh. Tumayo ako at inabutan ka. Ewan ko kung magkano inabot ko sayo basta ang alam ko naglapat yung kamay natin. At napatingin ka sakin sabay ngiti at mahinang thank you yung narinig ko.

Eto na naman yung puso ko bumibilis na naman.

Hanggang sa nagpasalamat lahat kayo at lumabas na ng room.

Shit nakalimutan ko itanong yung pangalan mo!

Pagupo ko napasimangot na naman ako.

"Galing ng eksena mo dun eliza haha iba ka talaga. Pero baliw ka na kanina naka ngiti ka, ngayon naka simangot ka. Bipolar ang puta!" Sabi ni mae yung katabi kong ng hampas sakin kanina sya din yung niyaya ko kahapon. Bestfriend na kami agad hahaha.

Hindi ko na pinansin yung sinabi nya kasi may iniisip ako.

Baka sya narinig nya yung pangalan ng baby ko.

"Bakla! Narinig mo pangalan ng baby ko nagpakilala lahat kanina diba?!" Sabi ko na namamagasa.

"Oo! Nagpakilala pero yung baby mo hindi. Ang sabi lang sya yung muse. Maganda nga yung crush mo tanga din eh! Hindi nagpakilala!" Ay grabe na talaga tong babaeng to. Nakahanap ako ng katulad ko hahaha. Babaeng bakla.

"Grabe ka na sakin bakla ka! Grabe ka na sa baby ko!" Pagtatanggol ko.

Inirapan nya lang ako tas hindi na sumagot.

Natapos na lahat lahat yung klase ko hindi pa din sya naalis sa isip ko.

Niyaya ko ulit si mae mag c.r todo hanap na naman ako sa room na madadaanan namin pero bakit ba wala ka?

Busy ako sa pag hahanap ng magsalita si mae "hindi mo makikita yun player nga diba? Malamang nasa complex yun nag ttraining!" Ay kaygaling ng babaeng to.

Tama nga si mae hindi ko sya nakita! Mukang uuwe akong malungkot ah.

Tuesday ngayon dalawang subject lang meron kami kaya maaga kami makakaauwe.

Paglabas namin ng school. Sa may tindahan ng burger andun ka.

Oo malabo mata ko pero pagdating sayo lumilinaw to hahahaha

Nasa pinto palang kami ng school tanaw na tanaw na kita.

Kaya naman agad kong hinila si mae palakad sayo.

Pero napatigil ako! Bumilis na naman tibok ng puso ko.

Umuurong na naman yung dila ko para kausapin ka kaya ang ginawa ko tinignan ka lang.

Bakit nag yoyosi ka?! Mahal naman eh makakasama sayo yan.

Habang naglalakad kami ni mae nakatingin lang ako sayo.

Naramdaman mo atang may nakatingin sayo kaya napalingon ka sakin.

Nginitian kita kasabay ng pag ngiti ko ang pag ngiti mo din.

Humaaaayygash kinikilig ako pero hindi ko pinahalata.

Binilisan ko na paglalakad ko kasi hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya yung kilig ko baka ikiss kita pag hindi ko to napigilan eh.

Eto na naman akong uuweng hindi alam ang pangalan mo! Pero ok lang may next time pa naman eh.

--------------
A/n: hobby ko pong mangbitin. Sakitan ng puson ganun! Hahaha loveyou po

Im Inlove With The Head Turner GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon