Yung balak kong pumarty wala na. Tinatamad na ko.
Gusto ko na lang mag pahinga. Humilata ganun. Feeling ko kasi pagod na pagod ako ngayong araw eh! Wala naman kaming ginawa mag hapon why is that?.
Siguro malungkot lang ako kaya ganto yung nararamdaman ko.
Oo malungkot ako kasi buo na yung desisyon kong tapusin na yung love story nating hindi naman na simulan hahaha.
nakahilata lang ako at nagiisip.
kahit ano gawing iwas ko at ano gawin ko ikaw at ikaw pa din naiisip ko.
ang traydor ng isip ko nyeta. pano ako makaka move forward kung ikaw parin laman ng utak ko?
nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng tumunog phone ko. nag madali naman ako baka kasi sya na yung nagtext eh! hahaha pinapaasa ko yung sarili ko eh bakit ba.
"HI!-J" sino ba to? pano nya nakuha number ko saan nya nakuha? qaqo ATE MO ELIZA!!!! J nga daw oh! ano tanga tangahan na tayo dito? sabi sakin ng walang kwentang utak ko.
at dahil wala akong load hindi ko na pinansin at wala akong plano mag paload para lang sa kanya.
Tsaka wala akong plano maging manghuhula sa dami dami ng J sa mundo langya iisipin ko pa sya.
hindi ko na nireplyan at nahiga na lang ulit ako, tamad na tamad talaga ako ngayong araw hindi ko alam kung bakit.
nakakaidlip na ako ng sunod sunod na tumunog yung phone ko. ano ba naman kasi yan!
"hoy! miss sungit!"
"wala bang reply jan"
"sungit mo talaga"
"pero ok lang bagay naman sayo mag sungit eh"
nyeta sino ba kasi to! at dahil tinatamad talaga ako mag load napa redeem ako ng wala sa oras bayansya kasi eh! iniipon ko nga tong points ko para pag nagutom ako at wala akong pera magagamit ko to sa jollibee eh. hahahhaa joke lang
ayun nga nag redeem ako ng points para mareplyan lang tong makulit na nag tetext sakin.
pag eto walang kakwenta kwenta kausap promise mag bibigti na talaga ako. hahah joke lang sayang lahi ko magaanak muna ako hahah joke ulit.
"who's this please?" reply ko syempre pagirl muna tayo malay mo naman kasi si ate ganda tong nagtetext ready na sya mag paka lalaki para sakin diba?? hahahha A S A pa ba eliza?
"J po" nyeta sabi na eh! walang kwenta kausap to huuhuhuhuhu sayang redeem ko ah.
"wala po akong balak maging manghuhula sorry paki delete na lang po yung number ko thank you. :)" magalang na reply ko jusme naman kasi gigil na si ako.
"si J Gonzales to classmate tayo ngayong college at pano ko nakuha number mo? sa classcard na pinasa mo. bakit kita tinetext kasi ang cute mo ay hindi ang ganda mo pala kaya lang ang sungit sungit mo! pero ok lang bagay naman sayo eh!" pagpapakilala nya.
O_O
O_O
0_0
0_0
pagkabasa ko ng text nya huminto yung ikot ng mundo ko. bumagal yung takbo ng orasan at humuni yung mga ibon at higit sa lahat JOKE lang lahat ng yan hahahha.
NYEMAAAAASSSSSS kill me now huhuhu crush ko kasi sya. class president namin sya ideal man sya mga beshy matalino, mabait, pogi tas mabango yung hininga hahaha
kung panaginip to jusme wag nyo kong gigisingin kung sino man gumising sakin ipapapatay ko sa tropa kong ISIS hahahaha
ini-screenshot ko yung text nya tas sinend sa gc namin nila mae,joy at sam alam nyo pangalan ng group chat namin? ROYAL SISTER oh diba kavough ang kardashian sister jan hahaha
"MGA BAKLA!!! SI POGING CLASS PRESIDENT NAGTETEXT SAKIN. WHAT TO DO WHAT TO DO??"
"AY! GANDA MO SA PART NA YAN GIRL!" -JOY
"GINALINGAN HAHAHAHA LANDIIN MO NA YAN BESHY KEBER KA NA KAY ATE GANDA MO!"-SAM
"ISA YAN SA MGA CRUSH MO BAKLA DIBA? TALANDI KA TALAGA HAHAHA PERO TAMA SI SAM PUSH NA YAN GO RRRRRRAAAAVVVAAAN"-MAE
"ENEBENEMENYEN" malanding sabi ko.
opo malandi po talaga. kasi naman hindi pa ako over dun kay ate ganda eto nanaman ako pumapasok sa harutan pero iba kasi to eh! nyemas nawawala pag ka boyish ko hahaha
ano irereply ko? wag ko na lang kaya replyan? pero mag mumuka akong snober eh! tsaka sayang naman yung niredeem ko gamitin ko na lang.
at ayun nga nireplyan ko na sya hanggang sa humaba na ng huba yung usapan namin sobrang nakilala ko na sya sobrang gumaan yung pakiramdam ko sa kanya. lalo lang ako nag ka crush kay J owemgi to the highest talaga.
habang kausap ko sya nawala na sa isip ko si ate ganda.
at dahil naniniwala nga ako na lahat ay may rason.
siguro pinadala ni tadhana si J para makalimutan ko si ate ganda. siguro anjan si J para maka move forward ako.
Si J siguro yung magiging rason para magising ako sa kahibangan ko kay ate ganda.
--------------------------------
A/N: hobby ko po mang bitin sakitan ng puson ganun hahahhaa loveyou po
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Head Turner Gay
RomanceBase on my true story pero piliin nyo na lang kung ano yung paniniwalaan nyo at hindi. May kasama na din kasing fiction para mapaganda lang yung flow. Kahit masakit Go na lang. Bakit ba kasi sa sesa ako nainlove hehehe no regret love him so much. Ma...