6 .l.

8 1 0
                                    

simula ng gabing naka text ko si J ay este si baby pala. opo baby na po tawagan namin wala eh! nilandi nya po ako wala po akong kasalanan dun ah!

nagpalandi naman ako kaya keber hahaha. 

ayun nga simula ng nakatext ko si J nawala sa sistema ko si ate ganda.

hindi ko na sya madalas naiisip hindi katulad dati halos minuminuto araw araw nasa isip ko si ate ganda. ngayon hindi na.

hindi na madalas minsan na lang hahaha. hindi padin pala nakaka move on lol.

joke lang wala na talaga yung feeling ko kay ate ganda. hindi ko din naman sinasabing mahal ko na si J. basta hindi ko alam. 

alam kong ang unfair sa part ni J pero sinabi ko naman sa kanya lahat lahat eh.

willing daw syang tulungan ako makalimutan yung taong mahal ko. ready din syang mag antay hanggang sa maging OK na ko.

ok lang daw lahat kay J ang lahat pero may isa syang kondisyon at pumayag naman ako dun. habang tinutulungan nya akong maka move on pangako ko lang daw na sya lang at walang iba, sa tabi nya lang daw ako hanggang maging ok na ang lahat samin. 

pumayag ako kahit alam kong unfair yun sa kanya. ang sama ko? hindi! tumanggi ako sa sinasabi nya pero nag pumilit sya. sino ba naman ako para tanggihan yung inaalok nya. 

nagdaaan ang mga araw na lalo kaming napalapit sa isatisa at tuluyan na ngang nawala sa sistema ko si ate ganda. 

tuluyan na akong naka move on kay ate ganda. oo hanggang ngayon hindi ko pa din alam pangalan nya hahaha.

pano ko nasabing naka move on na ako kay ate ganda? kasi pag nakaksalubong namin sya sasabihin ko na lang ay si ate ganda oh! at habang sinasabi ko yan wala na akong ibang nararamdaman. no romantic feelings kung baga.

at lahat ng yun dahil sa tulong ni J.

bago ako makaabot sa stage na kaya ko na syang maka salubong ng walang special na nararamdaman madami muna kaming pinag daaanan ni J. hayaan nyo sana akong ikwento sa inyo.

may puntong makakasalubong ko si ate ganda sobrang hindi ko kaya buti dumating si J at hinila ako sa ibang side para hindi kami tuluyang magkasalubong ni ate ganda.

hila-hila din ako ni J palabas ng classroom ng pumunta ulit yung mga player ng university sa room namin.

tinakpan ni J yung mata ko ng may kasamang iba si ate ganda.

tinakpan ni J yung mata ko ng nakikita kong masaya si ate ganda sa mga kausap nya at hindi dahil sakin.

tinakpan ni J yung puso ko. yung puso kong sugatan dahil nagmahal ako ng beki na hindi ako kaya mahalin pa balik.

hanggang sa isang araw nagising na lang akong kaya ko na lahat lahat kahit wala yung tulong ni J.

kaya ko na makasalubong si ate ganda,

kaya ko na makita syang masaya kahit hindi dahil sakin.

sobrang nagpapasalamat ako kay J. 

eto na yung araw na sasagutin ko na sya. official na kami na. kasi alam kong kaya ko na ulit mag mahal. at this time yung taong mamahalin ko kaya na ako mahalin pa balik.

pero saglit lang mahal ko nga ba talaga si J? o nasanay lang akong anjan sya kaya kala ko mahal ko na sya.

eto na naman ako ang unfair ko na naman.

dahil hindi ako sure hindi ko sya sinagot.

walang formal na usap basta dumating na lang kami sa puntong umaasta na kaming dalawa na akala mo kami talaga.

hanggang dumating ang 1 month na relation namin na walang formal na usapan. nagpapractice ako ng sayaw para sa p.e ng dumating si J may dalang bulaklak taray babaeng babae ako sa part na yun.

pero teka bakit ganto yung feeling ko bakit parang may naka tingin sakin na ewan?

edi ang ginawa ko lumingon ako sa kung saan nakita ko si ate ganda nakatingin.

yung tingin nyang parang may gustong sabihin.

tinignan ko sya sa mata at pilit kong binabasa yung sinasabi ng mata nya pero bigo ako. hindi ko mabasa yung gusto nyang sabihin.

hindi lang pala ako ang nakapansin ng tingin nya.

sila sam, joy at mae din pala.

nakikipag titigan ako kay ate ganda ng biglang tapikin nila sam yung balikat ko kaya naagaw nila yung attention ko.

"parang may gusto sya sabihin sayo oh!" bulong nila. opo sabay sabay talaga sila para silang mga demonyong bumubulong sakin hahaha

"oo nga pero ano? tsaka bakit?" nalilitong sabi ko sa kanila.

nakakalito naman kasi bakit ngayon pa? kung kelan ok na ko. kung ok na kami ni J.

no ELIZA wag. focus ka lang sa kung ano meron ka ngayon.

nginitian ko lang si ate ganda at humarap na kay J.

Yes kailangan ko to gawin. Para sakin at para samin ni J.

Lahat ng bagay may rason. May rason din ba kung bakit ganun ako tignan ni ate ganda?

Kung meron man rason ano naman yun?

Pero kasi hindi lahat ng rason pwede mong paniwalaan.

May mga rason na pwede mo din iisang tabi para sa mas ikakasiya mo.

------------
A/N: hobby ko po mang bitin sakitan ng puson ganun hahahaha loveyou po.

Im Inlove With The Head Turner GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon