4.l.

8 1 0
                                    

Pumasok na kami daretsyo sa room namin na occupied padin yung utak ko.

Nawala yung iniisip ko ng batukan ako ni mae.

"Aray ko bakla naman eh!! Bakit ba? Anong problema mo? Bakit nambabatok ka jan?" Galit na galit na sabi ko. Kaasar kasi eh! Wala akong sa mood makipag usap ngayon eh!

"KINAKAUSAP KASI KITA! HINDI KA SUMASAGOT!!!" Pasigaw nyang sabi.

Nakakaagaw yun ng attention ng iba. Kaya kinunutan ko sya ng nuo.

"Bibig mo bakla! Ang daming tao oh! Baka sabihin attetion seeker tayo! Ano ba kasi yun? Wala kasi ako sa mood eh!" Pagpapaliwanag ko. Kahiya tong babaeng to!

"Gago! Yung crush mo nasa may pinto hinahanap ka ata!" Makatotohanang sabi nya. Ako naman tong si uto-uto agad na lumingon sa may pinto na ngiting ngiti at punong puno ng pagasa hahaha.

"Oh! Tanga! Joke lang hahaha kala ko ba titigilan mo na? Kasi ayaw mo masaktan at maling pagasa ang inaasahan mo?!" panira ng araw talaga tong babaeng to.

Pero teka pano nya nalaman yun? Eh diba sa isip ko lang naman yun sinabi? Wow! May kapangyarihan na yung bestfriend ko! Hahaha

Binigyan ko sya ng pano mo nalaman yan look!

Nginuso nya sila joy at sam. Huh? Pano nila nalaman yun?

Binigyan ko sila ng ang galing nyo pano nyo nalam yun look!

Tumawa lang sila. Dont tell me malakas kong nasabi yun kanina? Omo hiya na si ako! Huhuhu

Pero ok lang yan! Tropa ko naman sila kaya maiintindihan nila ako haha.

"Oo nga! Titigilan ko na nga. Kaya ko naman eh! Tsaka hindi ko naman sya yung gustong gusto na to the point na mahal at hindi ko na kaya pag wala sya. Paghanga lang tong nararamdaman ko!" Mahabang litanya ko na feeling ko naman
naniwala sila kasi wala na akong nakuhang sagot or reaction galing sa kanila.

Pero totoo yung sinabi ko na titigilan ko na sya. Oo kaya mo yan eliza ikaw pa ba! Basic lang yan.

Balik ka na sa dating ikaw na laro lang muna para walang nasasaktan. Balik ka na lang muna sa 2 months rule kemedu mo.

Oo tama balik na lang muna ako. Hahayaan ko na muna sya.

May rason naman eh!

Tsaka na niniwala ako sa pag kayo talaga para sa isatisa mag kalayo man kayo ng gano katagal pagtatagpuin at pagtatagpuin pa din kayo ni tadhana.

Hahayaan ko na lang si tadhana ang lumaro sating dalawa.

Simula ngayon PANGAKO hindi na kita guguluhin. Hindi na kita iisipin.

Tahimik lang akong nakikinig sa prof. Pagbigyan nyo kasi minsan lang to. Minsanan lang ako manahimik at makinig lang. Usually kasi dadaldalan lang ako pero ngayon iba.

Hanggang matapos ang first subject tahimik lang ako. Magsasalita lang pag may tinatanong sakin sila.

Sabay sabay kaming lumabas ng room daretsyo sa c.r. talagang mapapamura ka na lang talaga. Tangina ni tadhana letche ang puta! Makakasalubong ka pa namin. Nakangiti ka sakin.

Bakit ganun kung kelan buo na desisyon ko?. Pero wag eliza wag kang magpapadala jan.

Sabay sabay tumingin sakin mga tropa ko tinitignan nila kung ano reaction ko. Aasarin ako ng mga to alam ko.

Kaya ginawa ko walang reaksyon kitang tinignan at umiwas din agad. Wala akong pake kahit nakangiti ka pa sakin!!!

Alam kong ang rude pero sorry eto lang yung alam kong paraan na hindi ako masasaktan.

Paglakpas namin sayo. Parang mga baliw yung mga kaibigan kong tuwang tuwa sa ginawa ko. Mga abnormal nag pustahan pa pala. Kung kaya kitang dedmahin o hindi.

Ang ending panalo si sam talo si joy at mae kaya nilibre ako ni sam ng burger sa tindahan nila famous.

Tangina ulit ni tadhana kasi katabi ng burgeran ni famous yung tindahan ng pinagbibilan mo ng yosi andun ka.

Ang awkward ng nararamdaman ko. Tahimik lang ako nagaantay. Magkaharap tayong dalawa pero umaakto akong hindi kita nakikita. Iwas na nga diba???!!

Kaya kinakausap ko na lang yung dalawang talo. Tinatawanan ko sila hahahaha. Sinisisi pa ako dahil daw sakin kaya talo sila hahaha jusme.

After namin bumili akyat ulit tatlong subject pa bago mag uwian.

Jusme boring na boring na ko. Bakit ba kasi may mga prof na ikukwento pa yung talambuhay nila eh. Nakakabaog jusme. Gusto ko na umuwe at pumarty.

---------------
A/n: hobby ko po mang bitin sakitan ng puson ganun hahahahah loveyou po.

Im Inlove With The Head Turner GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon