Chapter Sixteen

1.8K 132 9
                                    

"EMONG, anong ginagawa mo riyan?" Naglakad si Altaire papalapit kay Emong na tila natuka ng ahas sa kinatatayuan.

"Ha? Ah, eh..." Naghagilap ng sasabihin si Emong. Hindi siya handa na mahuhuli ni Altaire na titig na titig sa hubad nitong katawan. Pero bakit parang balewala lang dito na nakita niya ang kahubaran nito? "Dinalhan lang kita ng gatas. Baka kasi hindi ka dalawin ng antok. Sabi ng nanay, mahusay daw na pampaantok ang pag-inom ng gatas." Iniabot niya kay Altaire ang basong may gatas.

Napangiti si Altaire. Wow, salamat. You're so thoughtful. Actually, umiinom naman talaga ako ng gatas bago matulog. Hindi pa lang ako nakakapagtimpla. But since eto at dinalhan mo na ako, I'm so grateful. Iinumin ko 'to." Tinikman niya ang gatas. "Masarap, ah. Matutulog ka na ba? Pasok ka muna. Kuwentuhan."

Mabilis at sunod-sunod ang pag-iling ni Emong. "Naku, hindi na. Matulog ka na lang. Gabi na rin naman. At saka, baka magising ang nanay at silipin ako sa kuwarto magtaka pa 'yun kung nasaan ako."

Muling lumagok ng gatas si Altaire. "Well, ikaw ang bahala kung gusto mo nang matulog. Salamat dito sa gatas."

Matamis ang ngiti ni Emong. "Walang anuman. Goodnight, Altaire." Kinawayan niya ang binata bago tuluyang bumaba pabalik sa kanyang silid.

Hindi naman nakatulog kaagad si Emong. Ang nadatnan niyang eksena sa itaas kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan. OMG! Hindi siya makapaniwalang makikita niya si Altaire na hubo't hubad! Ang swerte-swerte niya!

Hanggang sa dalawin ng antok si Emong ay tanging si Altaire ang laman ng isip niya.

Mga katok sa pinto ang gumising sa kanya.

"Emong, bumangon ka na diyan. Aba, tanghali na." Ang nanay niya ang nasa labas at kinakatok na siya para bumangon na. Nang buksan niya ang pinto ay sinalubong pa siya nito ng sermon.

"Ano ka ba namang bata ka? Lagi ka na lang tinatanghali ng gising. Hindi sa atin itong bahay. Huwag namang nauuna pang gumising sa'yo ang mga amo natin."

"Sorry, 'nay. Hindi kasi ako nakatulog kaagad," nagkakamot ng noo niyang sabi.

"At bakit na naman?"

"Hindi ko po alam," pagsisinungaling niya. Siguradong makakatikim siya ng mas matinding sermon kapag nalaman ng nanay niyang kaya siya napuyat ay dahil sa pag-iisip sa hubad na katawan ng amo nilang seminarista.

"O siya, ayusin mo na ang sarili mo at tulungan mo ako roon sa kusina," utos ng nanay niya. "Maghahanda tayo ng masarap na pananghalian dahil may bisita si Altaire."

"Bisita?" Nanlaki ang mga mata niya sa pagtataka. Sino po ang bisita ni Altaire?"

"Hindi ko alam. Kaibigan niya siguro. Kilala rin ni Mrs. Torres, eh. Grace daw ang pangalan."

"Grace?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

Napakunot-noo si Aling Rosita sa reaksyon ng anak. "Oo, bakit? Kilala mo?"

Sunod-sunod ang pag-iling ni Emong. "Hindi po." Bakit naman niya sasabihin sa nanay niya na alam niyang ex-girlfriend ni Altaire ang Grace na 'yun?

"O, sige. Sumunod ka na agad dito sa kusina."

"Opo, 'nay." Agad niyang inayos ang sarili at sinigurong presentable siya bago lumabas ng kuwarto. Nagpulbos din siya sa pisngi at naglagay ng lipstick. "Kung inaakala ng Grace na 'yan na magpapakabog ako sa kanya, nagkakamali siya!"

Nagulat pa si Aling Rosita sa ayos ng anak. Naka-blouse ito at fit na maong pants na pambabae ang tabas. "Ano ba naman ang itsura mo? Umayos ka nga. Tinalo mo pa ang babae sa itsura mo."

Iyon nga ang gusto ko, eh. Ang matalo ko ang itsura ng bisita ni Altaire. "Okay lang naman po ang suot ko, ah. Nagsusuot din naman ako ng ganito sa probinsiya," pangangatwiran niya.

"Bahala ka na nga! Eto, dalhin mo sa may pool area itong meryenda nila," utos nito sa anak. "Mag-ingat ka. Baka matapunan mo ng juice ang bisita ni Altaire."

Kinuha ni Emong sa ina ang tray ng meryenda at saka parang modelo na naglakad patungo sa pool area.

Malayo pa lang ay tanaw na niya sina Altaire at Grace. Nagkakasayahan ang dalawa. Paminsan-minsan ay tinatapik pa ni Grace sa braso ang seminarista.

Mas inartehan pa ni Emong ang paglalakad. Siniguro niyang kumekembot nang todo ang kanyang balakang. At saka siya ngumiti nang pagkatamis-tamis.

"Magmeryenda muna kayo," sabi niya sa dalawa sabay patong ng tray sa mesa.

"Oh, thank you! You're so beautiful." Bakit tingin niya ay mas gumanda pa ang Grace na ito nang ngumiti sa kanya? At bakit parang napaka-friendly nito? Hindi puwede! Kalaban ito, hindi kaibigan.

Pilit ang ngiting ibinigay niya kay Grace.

"Salamat, Emong." Napakaguwapo pa rin ni Altaire, as usual. Nakapambahay lang ito pero bakit ba ang lakas ng appeal ng lalaking ito?

Pilit din ang ngiti niya kay Altaire. Saglit lang iyon, pero hindi nakaligtas sa binata.

"Maiwan ko na po kayo. Enjoy your snacks." At tinalikuran na niya ang dalawa.

Pagbalik niya sa kusina ay napansin ni Aling Rosita ang pagbabago ng mood niya. "O, bakit sambakol ang mukha mo?"

"Wala po." Kumuha siya ng tubig sa ref, naglagay sa baso at saka uminom.

"Imposibleng wala. Hindi naman ganyan ang itsura mo kanina," puna ng nanay niya. "Ako nga ay huwag mong pinaglololoko, Guillermo! Kabisado na kita. Siguro, nagseselos ka sa bisita ni Altaire."

Nanlaki ang mga mata ni Emong. "Hindi, ah! Ba't naman ako magseselos sa babaitang 'yon? Eh, mas maganda pa nga po ako doon." To the highest level na ang confidence niya. Buo sa loob niya na mas maganda talaga siya kay Grace. "Beauty queen ang anak n'yo, 'nay. Kahit paano may titulo ako. Eh, siya ba?"

"O, eh 'di lumabas din ang totoo. Insecure ka sa babaeng bisita ni Altaire. Nakita ko siya kanina. Pagkaganda-gandang bata. At mukhang mabait. Panay nga ang ngiti sa akin kanina." Itong nanay niya, kumampi pa talaga sa kalaban niya.

"Iyong niluluto n'yo, 'nay. Sunog na po. Andami n'yong kuwento," nakasimangot na sabi niya.

Natawa nang malakas ang nanay niya. Alam na alam nito kung kelan siya aalaskahin. Nagpasya siyang umalis sa kusina at magkulong na lang sa kuwarto.

"Oy, saan ka pupunta? Tulungan mo ako rito. Marami pa tayong lulutuin!"

Hindi na nilingon ni Emong ang ina.

PAGKATAPOS KUMAIN ng tanghalian ay nagpaalam si Altaire sa kay Aling Rosita.

"Lalabas lang po kami ni Grace. Tumawag na ako kay mama para magpaalam."

"Sige, mag-iingat kayo."

"Thank you po," nakangiting sabi ni Grace. "Aalis na po kami." Kumaway pa sa matanda ang babae.

Nalaman na lang ni Emong na umalis si Altaire nang lumabas ito sa kuwarto pagkatapos magmukmok.

"Ba't 'di n'yo sinabi sa akin kaagad na aalis pala sila?" reklamo nito sa ina.

"Aba, at bakit ko sasabihin sa'yo? Ikaw ba ang ina ni Altaire?" natatawang sagot ng matanda.

"Nanay naman, eh."

"Hay, Guillermo! Tigilan mo nga ang kaalembungan mo. Okay lang naman sa akin na maging binabae ka, pero anak huwag namang mas maarte ka pa sa babae."

Hindi na nakipagtalo pa si Emong. Useless din naman na sumagot pa siya. Hinding-hindi siya mananalo sa nanay niya.

Nang gabing iyon, napanis sa paghihintay kay Altaire si Emong. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin umuuwi ang binata.

Emong AlembongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon