Chapter 2:

18 1 1
                                    

•Sam's P.O.V

Tumango lang ako. Jeon Jungkook? Parang Familyar siya

Umupo ako sa study table dito sa room at binuklat ang babasahin ko ngayong manga. Nakakaexcite kaya.

Bigla na lang siya tumabi sakin. Napatingin naman ako. Feeling close lang?

"Bakit?" -ako

Nakatingin siya sa manga na babasahin ko sana.

"Wala lang." -Jungkook

Napapoker face naman ako. Sinara ko na lang ang babasahin ko dapat na manga na di natuloy dahil nawalan ako ng gana dahil sa kanya. Di ako makafocus.

Duh! Syempre ngayon ko lang siya nakilala at lalaki pa ㅡ,ㅡ 

"Ahm Jungkook? pwe--"

Naputol sasabihin ko ng biglang dumating si Tita Jane. 

"The dinner is ready. Wait, nagkakilala na kayo?" -Tita Jane

Tumango lang ako.

Tumayo na ko para sumunod kay Tita para sa dinner. Di ko pinansin si Jungkook. Ayoko pa naman sa papansin tsk.

Pumunta na kami nila Tita sa dinning area at umupo.

Ang daming pagkain. Nakakagutom haha. Tatlo lang kaming kakain ah? Grabe mapapadami ata kain ko.

Nagsimula na kaming kumain. Medyo nakakailang kumain sa harap nila.

"Iha kain lang ah? maraming pagkain" -Tita Jane

Tumango lang ako at nag smile.

"Nagkakilala na kayo diba? So kilala mo na kung ano anak ko Sam iha?" -Tita Jane

Napatigil naman ako sa pagkain. Name lang niya alam ko.

"Tita name lang niya alam ko hehe" -Tita Jane

"Oh dapat kilala mo siya. Kahit name pa lang niya kilala na siya ng lahat di ba anak?" -Tita Jane

Napatingin naman ako kay Jungkook. Di ko magets si Tita.

"Yup" -Jungkook

"Ano po ba yung dapat kong malaman sa kanya Tita?"

Takang tanong ko kay Tita Jane. Ako lang walang maintindihan sa usapan ngayon.

"Are you sure iha? You really don't know about my son?" -Tita Jane

Tumango ako bilang sagot. Duh mas nakatuon kaya ako sa studies at Anime haha.

"My son Jungkook is a K-pop Idol. Meron siyang group and it's BTS. Sya ang maknae sa kanila. Do you know BTS?" -Tita Jane

K-pop Idol? BTS? Ano yun? Alam ko lang KDrama eh.

Umiling ako kay Tita. Ngayon ko nga lang narinig ang BTS. Ano yun? Back To School? Ba-Tang Supot? (A/N: Sorry sa words hehe)

"Ah popular K-pop group sila. Kilala sila sa buong mundo. Kaya nga nakakapagtaka at hindi mo sila kilala lalo na ang anak ko" -Tita Jane

"Sure kang di mo kami kilala? Akala ko ARMY ka" -Jungkook

"Army? Sundalo?" -ako

Sorry na wala akong alam. Mas nakatuon lang talaga ako sa Anime.

"No! Acronym yun ng Fandom namin, It means Adorable Representative MC for Youths" -Jungkook

Umoo na lang ako kahit di ko talaga sila gets.

Natapos kaming kumain na puro BTS kuno. Sila lang nagkakaintindihan. Alien ata tong mag-ina.

"Ahh Sam iha, don't forget to awake early. May pasok ka pa diba? nakapagtransfer ka na sa school na pinapasukan ng anak ko. Sabay kayo papasok tomorrow" -Tita Jane

Sabi ko sa inyo eh. Handa na lahat talaga. Hindi ko pa alam ang school na papasukan ko😑

"Okay Tita Jane. Punta na po ako sa kwarto para makapagpahinga" -ako

Kiniss ko si Tita sa cheeks bago ako umalis. Umakyat ako papuntang kwarto. Pagkapasok ko, nilock ko ang pinto. Naghanap na ko ng susuotin kong pantulog at dumiretso sa cr para maligo.

Maganda kaya yung school? Bubully-hin din kaya ako dun? Yeah I am nerd, have a thick glasses. Sa school ganun porma ko pero kapag here sa house. Masasabi mong mas maayos ako manamit at hindi baduy na katulad ng porma ko sa school.

Natapos na kong maligo at magbihis habang iniisip parin ang bagay na yun. Humiga na rin ako sa kama. Sana maganda at maayos ang school na pupuntahan ko. Para tahimik buhay ko katulad sa unang unang school na napasukan ko. Pero nung time na lipat ako ng lipat ng school karamihan binubully ako. Wala akong kaibigan ni isa. Pero sana this time meron na.

Dahil sa kakaisip ko di ko na namalayang nakatulog na ko.
💤💤


*****

I Am Living With A Kpop Idol [BTS Jungkook FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon