• Sam's P.O.V •
Nagising ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napaupo agad ako ng marealize kong nasa kwarto na agad ako. Napahawak naman ako sa ulo, ang sakit nahihilo ako. Kung ano-ano ba naman pumasok sa isip ko.
Nakita kong pumasok si Jungkook. Naalala kong nakatulog ako sa kotse pero bakit...
Napatingin ako bigla kay Jungkook.
"Gising ka na pala. Dinner na" -Jungkook
Napatingin naman ako sa suot ko. Hindi na ko naka uniform. Tinignan ko ng seryoso si Jungkook. Bigla naman siyang nagsmirk.
"Wag mong sabihing..."
Bigla ko namang hinawakan katawan ko para takpan.
"Haha!!" -Jungkook
Tinignan ko siya ng masama. Bwiset na ilong na toh tinawanan pa ko. Pagod na pagod ako kanina kaya bagsak talaga ako.
"Wag kang mag-alala si Manang nagbihis sayo. Asa ka namang bibihisan kita" -Jungkook
Inirapan ko na lang siya. Pero masama talaga pakiramdam ko. Hindi dapat ako naiistress o mag isip ng kung ano-ano. Mabilis manghina katawan ko. Naiistress ako dahil sa mga Fans ng bwiset na BTS na yan. Napailing na lang ako.
"Mauna na kayo, mamaya na ko. Wala pa kong gana"
Humiga na lang ulit ako at niyakap ko yung unan na may mukha ni Ayato. Crush na crush ko kaya si Ayato sa Diabolik Lovers. Anime siya siyempre.
"Niloloko ka lang, nawalan ka agad ng gana?"
Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama. Nakatagilid kasi ako na nakatalikod sa kanya. Humarap naman ako.
"Wala nga talaga kasi akong gana"
Nakayakap pa rin ako sa unan.
"Parang namumula ka ata" -Jungkook
"Huh?"
Bigla naman niyang hinawakan noo ko.
"May sinat ka. Parang ambilis mo atang magkasakit?" -Jungkook
Umupo naman ako pero di ko pa rin binibitawan si Ayato ko.
"Di mo pa kasi ako kilala kaya di mo alam. Tsaka hindi naman malakas katawan ko kaya mabilis akong magkasakit tsk" -ako
Kinuha ko naman ulit yung isang unan na may mukha ni Kaneki. sa Tokyo Ghoul. haha love na love ko sila.
Tinignan naman ni Jungkook yung dalawang unan na niyayakap ko ngayon. Tinignan niya rin ang buong kwarto. Puro anime ba naman eh.
"Sige na, kumain na kayo. Bababa na lang ako if nagugutom ako. Wala lang talaga akong gana ngayon" -ako
Tumayo muna ako at kumuha ng isang manga. Gusto ko magbasa. Kinuha ko na rin salamin ko, you know malabo nga.
Bumalik na ko sa higaan at umupo. Nakasandal ako sa headboard ng bed.
"Dalhan na lang kita gusto mo?" -Jungkook
Tumingin naman ako sa kanya at umiling.
"Kaya ko naman, tsaka kakain naman ako promise. Di lang ngayong oras"
Ngumiti na lang ako sa kanya. Sinat lang naman meron ako. Madaling mawala, di ko kasalanan na mahina katawan ko. Ganito talaga ako ng ipinanganak ako.
"Baka malipasan ka niyan. Tsaka kailangan mong uminom ng gamot ng gumaling ka agad" -Jungkook
Hindi ko alam, pero bat ang bait niya ngayon?
"Alam mo Jungkook? gutom lang yan. Kaya kumain ka na" -ako
Magbabasa na sana ako ng kuhain niya ang manga. Hayst
"Sumabay ka na kaya tara na. Kapag hindi ka pa tumayo, bubuhatin kita palabas para kumain" -Jungkook
Napabuntong hininga naman ako.
"Oo na, tatayo na" -ako
Umalis na ko sa kama at tumayo. Medyo hilo talaga ako ngayon. Grabe ngayon lang ako na stress ng ganito.
"Susunod ka rin naman pala" -Jungkook
Napailing na lang ako. Naglakad na kami palabas ng kwarto. Pababa na sana kami ng muntikan na kong matumba, buti na alalayan ako ni Jungkook. Kaya ayoko sa lahat ang nagkakasakit, pero sigurado naman akong okay na ko bukas. Panandalian lang naman siguro.
Nakababa na kami kaya dumiretso na kami ni Jungkook sa Dinning. Nakita namin si Tita na naghihintay. Nakahanda na lahat ng pagkain.
Umupo na kami, kaya nagsimula na kaming kumain. Unti lang kinuha kong pagkain. Wala akong gana. Napansin naman yon ni Tita
"Iha are you okay?" -Tita Jane
Tumungin naman ako at ngumiti ng mapait. Hindi na nagsalita si Tita kaya pinagpatuloy na namin ang pagkain.
Maya maya. Ako na ang unang natapos kumain kaya umalis na agad ako sa dinning. Hindi na ko nakapagpaalam, siguro nasabi na rin ngayon ni Jungkook kay Tita. Napabuntong hininga naman ako. Dumiretso na ko sa kwarto ko.
Habang paakyat ako mahigpit kapit ko. Ewan ko ba parang babagsak kasi ako. Kaya pagkadating ko sa kwarto, humiga agad ako.
Naalala kong nakalimutan kong uminom ng gamot kaya umupo ako. Tatayo na rin sana ako ng biglang pumasok si Jungkook na may dalang isang basong tubig at gamot. Ngumiti naman ako sa kanya.
Inabot naman niya sakin. Kaya kinuha ko na at ininom. Umupo siya sa gilid ng kama.
"Thank you Jungkook" -ako
Ewan ko ba pero bigla ko na lang siya niyakap. Humiwalay din naman ako agad at ngumiti ulit sa kanya. Humiga na ko at pumikit. Inaantok na rin ako. Bago ako makatulog, may narinig akong sinabi ni Jungkook
"Goodnight, Sleep well and dream me" -Jungkook
💤💤
*****
BINABASA MO ANG
I Am Living With A Kpop Idol [BTS Jungkook FanFic]
FanficMy First Story BTS Fanfiction!! Hope you guys love and support it! Mwaps~❤❤