Chapter 10:

13 1 0
                                    

• Sam's P.O.V

Last subject na, wala pa rin ako sa sarili. Hindi ko na nga maintindihan ineexplain ng teacher namin ngayon sa harap.

Sana kaklase ko na lang si Yoonie eh. Hindi tuloy ako mapakali ngayon dahil sa ginawa ni Kookie

Pagkatapos kasi niya kong yakapin, dumating bigla ang teacher namin kaya bumalik na agad kami sa proper seats namin.

Mas lalong dumami ang nagbubulungan dahil sa issue na ginawa ni Kookie.

Napatingin naman ako kila V at Jimin. Akala ko mga hindi nakikinig pero grabe seryosong nakatingin sa harap.

Buti pa sila naiintindihan nila yung lesson, eh ako? hindi na dahil sa nangyari

*sigh*

Napahawak naman ako sa dibdib ko. Bakit kaya ganun ang naramdaman ko nung niyakap ako ni Kookie?

Hayst! *iling iling*

Pilitin mong makinig Sam!

Tumingin na ko sa harapan para makinig sana kaso biglang nagbell.

Yung totoo?! Napabuntong hininga naman ako.

Umalis na yung teacher namin kaya tumayo na ako at inayos ang gamit ko.

"Hoy Jungkook-ssi! Bukas saturday kaya alam mo na" -V

"Oo nga, pupunta kami sa bahay niyo" -Jimin

Napatigil naman ako. Pupunta sila sa bahay nila Jungkook? Diba dun ako nagsstay?

Hayst, napailing naman ako sa iniisip ko kung ano-ano.

"Ano naman? Lagi naman kayong pumupunta don" -Jungkook

Pagkatapos ko mag-ayos at kunin ang bag ko, nauna na ko lumabas sa kanila. Napangiti naman ako ng makita ko si Yoonie sa tapat ng room kaya lumapit ako sa kanya.

"Yoonie!" -ako

Onti lang naman ang tao kaya hindi ako gaanong pinagtitinginan.

"Shinnie, tigilan mo kaya pagtawag sakin ng Yoonie?" -Yoongi

Napapout naman ako.

"Ayoko!" -ako

"Hayst, Hatid na nga lang kita. San ka ba nakatira ngayon?" -Yoongi

"Doon siya tumutuloy sa bahay namin"

Napatingin naman kami sa nagsalita. Yeah it's Jungkook.

Tumingin sakin ng seryoso si Yoonie.

*sigh*

"Doon daw muna kasi ako makikituloy sa bestfriend ni Mom na Mom ni Jungkook habang nasa out of town business si Mom, okay? gets?" -ako

Hayst, ayoko sa lahat seryoso tong si Yoonie eh.

"Doon ka nagsstay kila Jungkook Sam?!" -VMin

Medyo natawa naman ako sa reaction nila bago ako tumango.

"Hey hey hey, ano tong naririnig ko?"

Napatingin naman ako sa nagsalita. It's Hoseok, habang papalapit samin kasama sila Jin at Namjoon. Wow kumpleto huh?

"Tama ba yung narinig ko na si Sam ay nakikituloy kina Jungkook?" -Jin

"Talas ng pandinig huh?" -ako

Natawa naman sila.

"Diretso na tayo kila Jungkook" -Yoongi

Napatingin naman ako kay Yoonie. Hala

"Sige! Agree ako jan" -V

Ano na namang mga pinagsasabi ng mga toh?

"Nang mabantayan ko si Shinnie" -Yoongi

Grabe naman tong si Yoonie. Parang walang tiwala kay Kookie, hmp.

"Shinnie? Ano toh? May kailangan ba kaming malaman tungkol sa inyo Sam at Yoongi-hyung??" -Jimin

Nagkatinginan kami ni Yoonie sabay tingin sa kanila

"Secret"

Sabay naming sabi pero sa kanya may halong cold. Psh, maging hyper ka naman Yoonie.

"Tara na nga, diretso na tayo kila Jungkook" -Namjoon

"Yeah tutal may mga kwarto tayo doon" -Yoongi

May mga kwarto sila doon??

*isip*
*isip*
*isip*

Ah! So sa kanilang room pala yung maraming room na nakita ko sa bahay ni Jungkook.

Napatingin naman ako kay Jungkook.

"Ngayon na?!" -Jungkook

"Aangal ka?" -Namjoon

"Oo ngayon na! Namimiss ko na rin luto ni Tita" -Jin

Napailing naman ako, so it means...

MAKAKASAMA KO SILA SA IISANG BAHAY?!

Parang nawala kaluluwa ko kakaisip ng pwedeng mangyari. Mga lalaki sila! Kami lang ni Tita ang babae! Huhu Mom nagsisisi na ko na pumayag akong tumuloy dito kila Tita. Ano ng iisipin ng mga Fans neto?!

Kakaisip ko di ko na namalayan na nasa loob na kami ng kotse.

Oo KAMI! BTS members at ako.

Tahimik lang ako habang sila ang iingay. Nasa tabi ako ni Jin. Yeah siya kasi ang driver. Nakatingin lang ako sa labas habang nakasandal sa upuan.

Kamusta na kaya si Mom? I miss her already. Ni hindi man lang ako tawagan.

Kakaisip ko hindi ko na naman namalayan na nasa bahay na kami. Nauna na kong bumaba at pumasok agad sa bahay.

Nakita ko si Tita kaya lumapit ako at kiniss siya sa pisngi.

Pagkatapos ko gawin yon ay umakyat na agad ako papunta sa kwarto

"Haha Jungkook baka mainggit ka na naman" -Jimin

Napailing naman ako sa narinig ko. Pagkaakyat ko, dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko, syempre nilock ko para makapagbihis ako. Tinanggal ko na rin ang salamin ko bago ako magbihis.

Nakasando at short lang ako. Nilugay ko na rin buhok ko. Parang may nakalimutan ako...

Napailing naman ako, wala naman siguro diba? Pero parang meron? Tinignan ko ang suot ko. Pero parang kailangan kong magpalit...

Hayst wag na Sam, wag na.

Lumabas na lang ako ng kwarto ko at bumaba. Nakatungo ako at tinitignan kada step ko pababa.

Naalala ko bigla na dito ako tumutuloy sa bestfriend ni Mom at nandito nga pala yung anim na kaibigan ni Kookie.

Napatigil naman ako kahit nakababa na ko at tumingala. Nakita ko sila sa Living Area na nakatingin sakin na parang gulat na gulat. Oo silang LAHAT!

Napatingin naman ako bigla sa suot ko.

Fvck! Dapat di ako nagsusuot ng ganito kapag may mga lalaki.

Napatakbo naman agad ako paakyat pabalik ng kwarto ko.

Ssibal! Nakakahiya!!!

*****

I Am Living With A Kpop Idol [BTS Jungkook FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon